Maraming beses na akong sumabak sa laban na tinatawag nilang buhay,ang pagdating ko dito sa mundo,ay laban na agad,dahil hindi ko alam,o marahil ni sila Mommy,at Daddy,'di alam kung ako'y makakauwi sa nararapat kong tahanan?.
Sa pagkabata ko'y kinailangan kong magpaka-tapang ng dahil sa sugat,at pilat na mananatili sa 'king musmos,at inosenteng pisikal na katawan.
Sa pagdaan ng mga taon ang puso ko naman ang sumabak sa laban,sa laban ng pag-ibig,bigo man dahil tanging luha't-sakit ang dulot nito'y ako nama'y nabigayan ng MAS matapang,at matibay na puso na handang bumangon,at lalabang muli.
Simpleng kompetisyon man,o ang TOTOONG laban na tinatawag nilang buhay dapat kong ipakita na kaya ko,na matapang ako,na kahit ilang beses man akong masugatan,at mamarkahan ng pilat sa katawan,taas-noo,at may tibay,at tapang sa puso kong sasabihin sa inyo na "Babangon ako,dahil isa akong sundalong HINDING-HINDI susuko sa laban ng buhay,dahil ang sandata ko sa bawat laban,ay ang dasal ko sa Diyos,pagmamahal ng pamilya ko sa 'kin,at ang pagmamahal ko para sa kanila.