Ako na lang mag-isa ulit,mag-isa nanaman ako,maiiwan nanaman ako.
Mag-iiba nanaman ang mundo nila,mundong 'di ako kasama,mundong 'di ako pwedeng maging parte,lugar na 'di ko pwedeng masilayan.
Oras nila'y malilimitahang muli,kaya ako'y muling mananahimik,at muling hihiling na kahit isang araw lamang sila'y muling manatili sa 'ming sariling mundo.
Para 'di ko madarama na ako'y nag-iisa,at kailangang malunod sa pagluha,dahil sa pagkakaroon nila ng "Ibang mundo."