Nangako na sa sarili na pagkatapos na aminin sayo ang katotohan,ika'y tuluyang pakakawalan,at kakalimutan,upang 'di na ako masakatan pang muli.
Ngunit alala mo'y tila nanatili pa rin lalo't pinakita ni Tita ang iyong larawan sa 'kin,kaya kahit ikaila ko sa pagsabi ng "Matagal ng tapos yan,matagal ng wala yan;" May kirot pa rin nadarama na pilit kinubili ng ngiti't saya,ngunit ng ika'y napanaginipang muli no'n gabi muling nanumbalik pagkabagabag sa isip,at damdamin kalakip ang tanong na "Meron pa nga ba,o wala na?."
Nais ko ng bumitaw,sapagkat alam ng aking isipan na ito'y masasaktan lamang ang damdamin,at sa dulo'y luluha muli.
Umasa man na sa ano mang paraan,upang masambit "Meron pa ngang akong pinanghahawakan,meron pa ngang akong pag-asang maging parte ng buhay mong muli?."
Ngunit maski humiling man ako sa mga bituin,at mag-dasal sa Diyos na sana manumbalik ang ating samahan,ngunit wala na.