Namulat mula sa murang edad sa kakaibang klaseng pagmamahal,pagmamahal na kailangang hintayin na ipadama sa lihim na mga panahon't-oras.
Dahilan para sa mura ding edad,pilit ko na ring pinaintindi sa 'kin sa sarili,puso't-isipan na ang aking ina ay nasasaktan sa paraan ng pagmamahal na 'kanyang pinili,na ay siya'y may kahati.
Sa unang beses na tumibok ang aking puso nabigo ako,ngunit sa pag-krus ng ating mga landas,ako'y nakahanap ng bagong kaibigan sa iyong katauhan na lingid sa 'king kaalam ng mga panahong 'yon na ika'y magiging bahagi na ng aking buhay sa parehas na masaya't-masakit na paraan;Bilang mahal ng aking kapatid,at bilang muling papatibok ng aking puso sa 'di inaasang pagkataon.
Pansamantalang mang naglaho ang iyong totoong mahal,ang ating pagkakabigan nama'y unti-unting umusbong,hanggang umabot sa kakaibang pagtibok ng aking puso,na alam sa sarili na patungong sakit,maling pagmamahal,at pusong may kahati na 'di ko sana gustong maulit ng muli.
"Tamang sabihin ang "Mahal kita",maling isipin,at maramdaman man sa ngayon,dahil maraming masasaktan,at tayo'y kasama na do'n.
Salita lamang ang tama,ang nadarama'y kailan ma'y mananatiling mali,kaya kahit masakit piniling lumayo na ng pilit.
Ngunit pakakatandaan ika'y mero'ng espesyal ng espasyo dito sa 'king puso,kaya kahit "Tamang sabihin,maling isipin,at maramdaman sa ngayon hanggang dito na lang ang kwentong meron tayo.
