"Pinakamatamis" na pagmamahalan tila naglalaho na,"Pinakamapait" na sakit,ay nagbabadya na,ang pagsasabi natin ng "Mahal kita",ay nadadalang na,at ang pagtatalo'y nadadalas.
Ang pangako ba na tayo'y sa isa't-isa mapapako na,ang panghabang-buhay ng pangako,ay kailangan na nga bang limutin,dahil pagdaan kong "Pinakamapait" na Sakit,nang dahil sa pag-iwan mo sa 'kin?.
Pinaka-masakit sa 'kin ang madarama na ika'y unti-unting nawawalay sa 'king piling,at "Pinakamatamis" nating pagmamahalan,tila'y magiging "Pinakamapait" na sakit,para sa 'kin.
