"Mabibigo na nga ba sa laban ng pag-ibig?."

6 1 0
                                    

Maraming bahagi ang dapat pagdaanan sa pag-ibig,may pagkakataon na 'di inaasahang babagal,o hihinto ang ikot ng mundo,pag ang dalawang tao pinagtagpo ng tadhana.

May "Kilig" na magpapa-ngiti sayo ng walang dahilan,pakiramdam mo'y lahat sa paligid,ay napaka-ganda.

Ngunit 'di lahat ng pag-ibig,ay laging masaya dumadaan din ito sa mga pagsubok na tampuhan,at away na aakalain ninyo na 'di na ninyo kayang lampasan,sa puntong yon makapag-sasabi pa kayo ng masasakit na salita na 'di niyo naman intensyong sabihin sa isa't-isa,at gugustuhin ninyong tapusin ang lahat;Sa kabila ng pangako na kayo'y,para sa isa't-isa.

Ngunit pag puso mo,at tadhana na ang nagsabi sayo na "Mahal ko pa rin siya." Susundin mo ba,at ipaglalaban mo ang pag-ibig mo,para sa 'kanya,o susuko ka na,at hahayaan ang sarili mo na mabigo sa laban ng pag-ibig?."

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon