Maagang baksyon sa dagat no'ng Enero,unang pasko nating magkasama simple,pero para sa 'kin yong pinaka-gusto ko,unang kong kaarawan na kasama kita,pero aaminin ko medyo nag-tampo ako sayo no'n,kasi umalis ka sa gitna ng party,pero naiintindihan ko,kasi sabi mo sa 'kin "Ate puntahan sila ko lang Kim,silang kasama kong masasayaw eh ha?,balik kami agad;"Kaya lang pagbalik mo palpak wala sila Kim,at walang tugtug,kaya 'di natuloy ang prod number niyo.
Mga ilang araw bago ang kaarawan mo naman habang ginagawa ko ang kalendaryo,para sa kaarawan mo nabanggit ko kay Tita Angie na ang tinatawag ko na sayo "Besie" at hanggang ngayon gustong-gusto ko sabihin yon sayo,at sa sarili ko na yan nga ang "Besie" ko,pero pasensya na,kung 'di ko po maalala yong date no'ng una kitang tinawag na "Besie",pero alam kong MAS halaga sayo mga alala ginawa,at gagawin pa nating magkasama habang dumadaan,at dadaan ang panahon.
Pero habang umiilik ang oras,at panahon kong kasama ka pa,dahil aalis ka na MAS lalong nahihirapan,at nalulungkot ako,kasi pakiramdam ko oras na umalis ka na mag-isa na lang ako,at walang kakampi,kaya ipinagdadasal ko lang na ang oras,at panahon,ay "Sana bumagal pa."