Naaalala ka pa rin hanggang ngayon pa rin,hanggang ngayon nasasaktan
ang inakalang sakit sa puso na nawala ay nan dirito pa rin sa muli nating pagkikita at pagsasamang muli.Ang nakasanayang kagawian mula sayo ay nararasan pa rin,ang iyong amoy ay tila nananatili pa rin sa'king paligid,ang boses tila naririnig pa rin kahit ika'y wala,kahit baguhin ang nakasanayan bumabalik pa rin ang iyong alaala paminsan-minsan.
Kaya kahit ikaila sa sarili na wala kana sa aking piling,na 'di sinisigaw ng paulit-ulit ng puso ang pangalan mo at di kana mahal,tila kilala ka pa rin dahil sa pagmamahal ko para sayo.