Bakit ganito pa rin kasakit?,19 na taon,at 6 buwan na ang nakalipas mula no'ng nasaktan kita,isang bagay kaya ko naman sanang kalimutan na lang,pero pagdating sayo;hirap na hirap ako,yong sandalina kahit ikaw yong nasaktan ko sa 'kin araw-araw paulit-ulit na lang sa isip ko,sa'kin pabalik-balik ang sakit sa puso ko.
Kahit siguro pagsisihan ng sobra-sobra,at pilitin ko man na na sana hilngin na patawarin mo ako sa ginawa ko sayo,'di ko na maibabalik ang dating nating pinagsamahan,kahit pa sabihin pagkakaibigan lang yong no'n,'di tulad ngayon sa tunay mong mahal,ako ang pinanghahawakan ko lang ngayon,ay yong dating pagkakaibigan natin kasama ang pagmamahal ko,para sayo na hindi mo naman alam na mahal kita,at may ESPESYAL ka pa ring lugar dito sa puso ko,samantalang siya hawak niya na ng buong-buo ang puso mo,at ganon ka rin sa 'kanya.
At kahit pa pilitin ko na pakawalan ka ng tuluyan dito sa puso ko,'di magawa,kasi pakiramdam ko tuluyan ka ng mawawala sa buhay ko pag ginawa ko yon.
Bakit kailangan kong paulit-ulit na bumigay bago mabuo ako ulit,bakit kailagan ko madurog ng paulit-ulit bago ako pwedeng maging masaya?.
Yan siguro ang mga dahilan,kung "Bakit ganito pa rin kasakit?."
