Sabi nila masarap,at madaling magmahal,pero bakit padating sa puso ko puro pait,at sakit ang nadarama nito.
Mga luha na ang tanging saksi sa bawat gabing mag-isa akong muli,at sa pag-sikat ng araw kailangan'y aking ikubli ang pait sa likod ng masayahin "Maskara" kahit na tila may nanatiling katiting na kaba sa dibdib,at ang tanging nais,ay ang kausap ka kahit saglit.
Maskarang pilit tinatago ang totoo,dahil umaasa pa rin ako na balang-araw maibabalik ko pa ang pagkakaibigan natin,kahit yong na lang ang maibalik,kasi alam ko sa sarili ko na yon,at yon na lang pinang-hahawakan ko,para maging parte ako ng buhay mo ulit.
Maskarang sinasabing "Ayos ako,masaya ako,at 'di na ako nasasaktan,pero ang 'di mo nakikita na sa likod ng "Maskara" pilit akong nagtatapang-tapangan,para malabanan ang sakit na 'di na ako parte ng buhay mo ngayon,at hangga't sa kaya ko ng sabihin sa sarili ko na "Pwede mo ng alisin ang "Maskara" mo,dahil masaya ka na rin,at yon ang totoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/32933984-288-k399125.jpg)