Bakit pakiramdam ko laging may mali sa 'kin baka isang araw wala na akong kasama,iwan na nila ako,kasi pagod na silang lahat sa 'kin,parang wala na akong kakampi,walang nakakintindi sa 'kin?.Itong mga nakaraang araw parang nawawala ako sa sarili ko,nandito ako sa pisikal,pero yong isip ko,'di ko alam,kung nasaan?.
Iyak lang ako ng iyak,pero 'di naman nawawala yong lungkot ko,at sakit na nararamdaman ko,at 'di ko na alam,anong magagawa ko sa sarili ko,kung patuloy kong mararamdaman ko 'to?.
Ewan,pero puro mga tanong lang ako na walang kasamang mga sagot,natatakot ako sana naman may tumulong sa 'kin hanapin ang mga sagot sa mga tanong ko,kasi 'di ko na talaga alam ang gagawin ko,kasi "Pakiramdam ko mag-isa lang ako."