"Lakas ng loob."

167 2 0
                                    

Lakas ng loob na harapin ka,lakas ng loob para kausapin ka,at sabihin sayo totoo,kahit pautal-utal ng dahil sa kaba gusto ko pa ring malaman mong mahal kita,kahit kailangang kong umiwas.

Lakas ng loob,para tanggapin ang sakit sakaling ika'y magalit,at tuluyang mawaglit sa 'kin,hiling lang ng puso ko'y na ika'y makinig sa nais nitong iparating,at ipadarama sayo.

Bigayan mo sana ng pagkakataon kahit minsan na ako'y maging dahilan ng mga ngiti mo,kahit alam kong may mahal ka ng iba,'di ako umaasang mamahalin mo ako pabalik,pero sana hayaan mo akong sabihin ang katagang "Mahal kita",dahil ngayon lang ako nagka-"Lakas ng loob",at nakaramdam ng ganito ulit.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon