No'ng iwan kita ng walang paalam,totoo nagsisi't-nasaktan ako,dahil binalewala ko ang lahat.
Pero nang nagbalik ako,umasa ako na babalik sa 'tin ang dati,pero puso ko'y nagkamali,dahil grabe ang karma sa 'kin ng tadhana,dahil ikaw nga ang nakikita ko,pero klaro na sa isipan ko na magkaiba na ang mundo natin,kahit na pilit kinakaila ng puso na maari pa,na may pag-asa,posibleng maging parte pa ako ng mundo't buhay mo.
Pero nang tuluyan kang nawala sa 'kin nang ika'y lumisan ng 'di ko nasabihin ang tunay kong nararamdaman ang tanging naging saksi lamang ay ang mga luha ko na puno ng sakit,dahil sa iyong mga alala mong nananatili pa rin hanggang ngayon.
Pero tila normal na sa 'kin ang lahat makalipas ang 20 taon,1 buwan,at 3 araw,kaya ko ng sabihin sa iba na mahal pa rin kita ng hindi nasasaktan,pero ibig sabihin ba no'ng na hindi na kita mahal,at tuluyan ka nang mawawala sa buhay ko kasabay ang natuyong ko na mga luha?.
Salamat,dahil dumating,at dumaan ka sa buhay ko,at sa sakit na dinulot mo,dahil binigay mo ako ng MAS matibay,at matapang na puso,para mahalin ko ang sarili ko,at para mahalin ko ng buo ang posibleng sa 'kin kasama ang "Bagong ako."