"'Di ko na alam?."

22 2 0
                                    

Ang gulo-gulo na,'di ko alam,kung ano'ng dapat kong gawin pilit ko na ngang iniwasan,para 'di na masaktan,pero wala pa rin tapos 'di pa nakakatulong yong mga nababasa kong kapangalan niya sa FB,at pagbanggit ulit sa pangalan niya sa ng biglaan sa TV minsan.

Sinyales na ba yon,para sabihin sa puso ko na "Huwag ka munang bumitaw sa 'kanya,posibleng magkita pa kayo ulit,makakapag-usap pa kayo,mapapatawad ka pa rin niya,at baka pwede pa kayo maging parte ng buhay ng isa't-isa ulit?",o sinyales na yon,para sundin ko na ang matagal ng sinabi ng ibang tao,at ng isip ko sa 'kin na "Kalimutan mo na siya,may mahal na siyang iba paulit-ulit mo lang sasaktan ang sarili mo,kung patuloy mo siyang iisipin,at mamahalin?."

Mga alala niya na lang pinanghahawakan ko,alalang pilit binubura ng isip ko,pero nanatiling nakatago sa puso ko,samatalang ang mahal niya ngayon,'di lang mga alala ang hawak niya,kung'di pati na ang puso niya.

Hawak ko na,hawak ko na yong kamay niya no'n,at siguro pati puso niya na rin,pero binitiwan ko,at iniwan ko siya ng nasasaktan;Pero kahit humingi ako ng tawad sa 'kanya,alam kong 'di ko na maibabalik ang nakaraan sa dati;Ang kamay niyang binitiwan ko no'n,ay hawak na ng iba,at puso niyang sinaktan ko no'n,ay inaalagaan,at pinupuno na ng pagmamahal ng mahal niya ngayon.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon