"Sabi ng puso,o sabi ng isip ko?."

46 2 0
                                    


Sa muli pagtibok ng puso,sa unang pagkakataon mula sa paghilom sa dalawang beses na nasaktan,umpisa pa lang sabi ng puso ko "Kaya ko na",sabay sabi ng isip ko "Hinay-hinay ka lang muna,nasaktan ka na no'n,huwag agad-agad mahulog,baka walang sumalo sayo bumagsak ka nanaman."

Pero sumasaya ako ng dahil sa "Kilig" kaya sabi ng puso ko "Sabi ko sayo eh,okay na ako,at hindi na ako masasaktan,kasi siya na talaga ang magpapasaya sa 'kin,pero kumukontra ang isip ko na pilit na sinasabi "Alam ko ang nararamdaman mo,kaya bago ka kiligin na tuluyang dyan,tadaan mo,pwede kang  masaktan,kasi 'di lahat ng kilig,ay nauuwi sa saya,kasi oras na sinabi mo ang nararamdaman  mo,pwedeng maging masaya din siya,o lumayo siya sayo."

Kaya lalong naguguluhan ako,kasi pag nakikita,at nakakasama ko siya masaya ako,pero pag sinasabi niyang "Wala kang pakialam" nasasaktan ako,at sinasabi ko sa sarili ko ano'ng dapat sundin ko ang "Sabi ng puso,o sabi ng isip ko?."

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon