"Nararapat na tahanan."

8 1 0
                                    

Mainit na mga yakap sa tuwing malamig ang mga gabi,mga halik na kay tamis na mag-papahimbing sa 'kin sa pagtulog,at babati sa 'kin kasabay ng pag-sikat ng araw sa bagong umaga na aking haharapin,ngiti,at boses mong mag-sasabi "Kamusta araw mo,Wifey?" Matapos akong manggaling sa isang araw ko na pag-tatrabaho,at bago pa tayong dalawa'y mahimbing sa gabi sasabihin mong muli sa 'kin ang "I love you,Wifey."

Ngunit ngayon na tayong dalawa'y magkawalay tila ako'y naliligaw,at 'di mahanap ang daan patungo kung sa'n ako'y kampante't payapa,isip ko'y puro tanong,habang ang puso ko'y nasasaktan sa bawat alaala na bumalik,at binabalikan.

At sa 'king pag-iisa,ay iisa lang din ang aking napagtantong katotohanan yon ay iisa ang "Nararapat na tahanan",para sa 'kin,at yon ay ako'y nasa iyong piling,sa iyong puso,at sa akin lamang ang iyong pagmamahal.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon