Sinabi ko sayo ang pangako kong "Sayo lang ako",at sabi mo din sa 'kin "Sayo din ako", plinano na natin ang kinabukasan nating magkasama habang-buhay.
Ngunit bakit ngayon masisira na ba ang ating pangako sa isa't-isa ng ganon-ganon na lang,at ako'y bibitiwan mo nga ba ng tuluyan?.
Sana bigyan mo ako ng sagot?,dahil handa akong 'di makinig sa isip ko,at makinig na lamang sa puso ko na "Huwag kang pakawalan,at ipaglaban ang pagmamahal ko,para sayo."
Alam kong kaya pa natin 'to,kaya huwag ka sanang sumuko mahal ko?,pagkat kung ika'y susuko,ay tuluyang "Masisira ang Pangakong pagmamahalan natin na panghabang-buhay,at magpakailanman."