Kahit ilang taon na ang lumilipas masakit pa rin,para sa 'kin ang isipin na kailangan na kitang pakawalan,at kalimutan,dahil wala na akong karapatan sa puso mo,dahil may mahal ka ng iba.Pero isang bahagi ng puso't-isip ko pinaparamdam pa rin ng mga ito na "Pwede pa may pinagsamahan naman kayo,pwede mo pa siyang mahalin,pwede ka pa rin umasa na babalik siya buhay mo,at pwedeng mahalin ka rin niya ulit;Maghintay ka lang,huwag ka bibitaw."
Pero gustong-gusto ko ng maging masaya ulit,maranasang ngumiti ulit,makaramdam ulit ng "Kilig",at pagbigayan yong tao nagpapasaya sa 'kin na makita niya ulit ang mga ngiti ko.
At iba na rin ang nararamdaman ko sa 'kanya,kahit 'di ko pa naamin na mahal ko na siya.
Kaya sana may dumating ng sinyales,para alam ko,kung "Maghihintay pa ba ako sayo,o bibitaw na?."
