Unang araw sa bagong eskwelahan,tahimik sa isang sulok ako'y nagmamasid lamang nang sa isang iglap,'di ko namalayan na do'n na pala magbabago ang buhay ko ng panghabang-buhay ng isang batang lalaki na makulit,pero matalino,sa pag sabi niya ng kanyang pangalan na "Hi po, I'm Kenneth."
Unang pagkikita,at pag-uusap namin ayaw ko nang maulit pa,ngunit tila ang tadhana'y may ibang plano,at nais na ako'y paglaruan,dahil siya'y isa sa aking mga kaklase,at mula no'n araw-araw ang nadarama ko'y tumatawa sa 'kin ang kalawakan,at tadhana ng paulit-ulit.
Ngunit isang araw ako'y napuno na sa pagbibiro ng tadhana,nakagawa ako ng 'di ko nais gawin,na hanggang ngayo'y pinagsisihan ko,nais ko man na maibalik ang mga panahong yon,para baguhin ang pagkakataon,at pangyayari yon eh,'di ko na magagawa.
Unang beses tumibok ang puso ko,para matutong magmahal ng totoo,ang siya ring unang pagkaktaon,para masaktan ang puso ko ng sobra,at lumuhang walang katapusan.
