"Handa mo bang bitawan?."

11 1 0
                                    

Handang ikubli sa likod ng ngiti,at saya ang sakit,at lungkot,kahit sabihin mong na MAS masaya ka na ngayon,alam kong hindi ikaw yan.

Handa mo bang bitawan ang kamay niya ng tuluyan,kasama ang mga alalang binuo't pinagsamahan niyo ng dahil sa nasira pangako?.

Handa ka bang tanggapin na bawat hakbang niya na palayo,ay may ibig sabihin na unti-unti na siyang mawawala sa buhay mo?.

Kaya mo bang tanggapin na ang dating ngiti niyang nawaglit,at muling nagbabalik,ay muling maglaho,at pumalit ang mga luha ng sakit?.

Handa ka bang masaktan ng paulit-ulit,dahil sa isang bagay na hindi niyo sinasadya,at pwedeng pag-sisihan sa bandang huli?,kasi ako pinagdaanan ko na yan,at kahit gusto kong bawiin LAHAT ng ginawa ko,'di ko na magagawa yon,kaya kung ako sayo HUWAG NA HUWAG mo bibitawan ang hawak mo na,kahit handa ka ng bitawan siya.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon