Nagpakatotoo na ako sayo,at sabi ko sa sarili ko "Okay malaya ka na",at umiyak na ako 2 gabi habang mag-isa ako,pero kahit gusto ko pang umiyak,'di ko magawa.
Ilang araw na rin na unti-uting nawawala sa 'kin ang sakit,nasasanay na ako wala ka,at tuluyang naging manhid.
Kung kailan hindi na kita iniisip,at unti-unting nagiging "Okay" na ang puso ko,kagabi napanaginipan kita,at bumalik lahat ng alaala,mga hinihiling ng puso ko na sana nanatili ka na lang sa tabi ko,kahit na 'di mo ako pansinin,at ayaw ko na sanang maramdaman na mag-isa ako,kaya lang kailangang ko na matuto na sabihin sa puso ko na "Wala siya na,hindi ka niya mahal,kahit kailan hindi ka niya mamahalin,hindi na siya babalik,at tuluyan na siyang nagalit sayo."
Sa bawat beses na nag-mamahal ako MAS marami pang tanong ang tumatakbo sa isip ko na walang mga sagot,at ngayon na dagdagaan nanaman "Kung kailan hindi na ako nasasaktan ibig bang sabihin no'n hindi ko na siya mahal,at kung kailan hindi na ako umiiyak ibig bang sabihin no'n eh manhid na ako sa pagmamahal?."
