Ayaw kong mawala ka sa tabi ko,o masira ang pagkakaibigan natin,kasi kahit balewala ako sayo,importante ka pa rin sa 'kin.Basta ka na lang ba aalis,basta mo na lang ba ako iiwan sabihin mo naman sa 'kin oh?,para mapaghanda ko yong sakit.
Baka bibitaw ka na lang sa 'kin baka lumisan ka na lang ng walang paalam,at iwan akong lumuluha na di' mo nalalaman
Tanging ngiti mo lamang ang nagpapa-kampante sa puso kong puno ng takot.
Sa piling mo'y nasanay na,at sa yakap mo'y nadarama na ako'y mananatiling ligtas,kaya sana'y huwag ka nang basta-basta bibitaw sa pagkakaibigan natin.