"Kung susubukan ko ba ulit?."

22 2 0
                                    

Noon natakot ako,pero ang dami kong pagkakataon na sabihin ang nararamdaman ko,pero 'di ko ginawa.

Kung ginawa ko ba yon maiitindihan mo ba ako,dadamayan mo ba ako,tutuparin mo pa rin ba yong pangako mo sa 'kin na "Kahit ga'no katagal hihintayin kita?."

Kung susubukan ko ba ulit na maging parte ng buhay mo,may pag-asa pa ba,kung hihilingin ko sayo na gusto kong maging kaibigan mo ulit pagbibigyan mo ba ako,kung sasabihin ko sayo  na "Ikaw pa rin ang nasa puso ko,at mahal pa rin kita hanggang ngayon",sasabihin mo rin ba ba sa 'kin na mahal mo pa rin ako?.

Kung susubukan ko ba ulit na humingi ng tawad sayo,dahil sa nagawa ko sayo noon,patatawarin mo ba ako,sabihin mo naman sa 'kin oh,kasi hanggang ngayon makalipas 20 taon,at 4 na buwan nanatili ang mga masasakit na alala ng mga panahon na yon,kasama ang alala ng pagkakaibigan natin,pagmamahal ko,para sayo.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon