Mula pagkabata tayo nang magkasama nag-aasaran,nag-aaway minsan pero wala pa ring iwanan.
Nasanay ako sa "Ikaw,at Ako", nasanay ako sa "Tayo" pero ngayon na magkawalay tayo at tayo'y bumitiw na sa'ting pagmamahalan,at sa pangako natin sa isa't-isa kinailangang kong masanay sa "Ako lang," at ikaw sa "Ikaw lang".
Pilit man akong maging masaya nang wala ka alaala ng "Ikaw,at Ako ",ay mananatili pa rin sa puso't,isipan ko, pilit ko mang kayanin ang ako lang,alam parin ng aking puso na kulang ito sa ako lang,at ang totoo,mabubuo ko lang ang puso ko sa "Ikaw,at Ako".