"Bakit ang hirap?."

23 2 0
                                    

Yong makulit mong personalidad,ang napabago sa personalidad kong tahimik,at masayahin,dahil napalitan ito na pagiging bugnutin,at suplada.

Pero nag-tiyaga ka sa pagbabago kong ito,pinilit mo pa ring pangitiin ako,subalit wala pa rin ika'y pinapa-alis sa 'king tabi.

Pero ngayon makalipas 19 na taon,at 6 buwan tanging ang kantang saksi sa 'ting pagkakaibigan,at mga alalang ika'y kapiling pa ang nanatiling lakas ko,upang magpatuloy pa buhay ko ng ika'y 'di na kapiling.

Ngayo't ika'y nawalay na,hanap ka kahit alam nitong puso ko'y,ika'y nasa yakap na ng iba.

Naisin ko mang ibalik ang oras,at panahon ito'y huli na,at 'di ko na mababawi ang nararapat sa 'king piling ngayon.

Pilit ka man pakawalan dito sa puso,upang tuluyan ka nang makalimutan,tila 'di maunawaan,o 'di nais unawain na ika'y 'di na parte,at rason upang siya'y tumibok ng paulit-ulit.

"Bakit ang hirap mong pakawalan dito sa puso ko,bakit ang hirap limutin ka?",samtalang nasisiguro kong ako'y limot mo na.

Bakit ang hirap pahintulutan ng puso ko ang saya,at tanging pait,at sakit ang na'n dito,siguro dahil alam nito na magiging masaya lamang ako,dahil ika'y mahal ko,pero alam rin nitong masasaktan lamang ako sa huli.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon