"Lalakbayin man ng puso."

10 2 0
                                    


Milya-milya man ang layo mo sa 'king piling,ang araw mo'y maging aking gabi,at ang iyong pag-gising,ang siyang hudyat,para sa 'kin upang humiling sa mga bituwin na sana'y iyong pakakatandaan ang ating pangako sa isa't-isa na aalagaan natin ang ating pag-ibig.

Hirap,pagod,at lungkot ko'y napapawi sa sandaling ang tinig mo'y rinig,sakit na mawalay,ay nawawaglit ng saglit,at naiisip na ika'y kapiling ng muli.

Lalakbayin man ng puso ko ang buong daigdig ang tanging dala nito'y ang pag-ibig,para sayo,at pangakong magbabalik ako sa piling mo.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon