Pikit-matang dinama ang tibok puso ko,ang inaakalang manhid sa sakit ng katotohanan na may mahal ka na talagang iba.
Pikit-matang pinipigil ang mga luha,para 'di nila mahalatang nasasaktan ako,pero nauuwi lang ako sa pagkatulala,sa pag-titig sa kisame,pilit huminga ng malalim,para 'di na madama ang unti-unting pagkadurog muli ng puso ko.
Kahit pilit binabalewala ang mga alalaang binuo,para mawala ito'y nanatili,pilit ka man pakawalan ng tuluyan,at akala ko'y nagawa ko na masakit pa rin ang sampal ng katotohanan na binigay na ang puso mo sa iba.
Mahal pa rin kita,hawak mo pa rin ang kalahati ng puso ko,pero kailangan ko ipadama ang pagmamahal ko,para sayo ng "Pikit mata" na lamang,para ako'y 'di na masaktan pa.