Mula pagkabata tayo na ang magkasama,inalagaan,iningatan,at prinutektahan ka.Nasanay sa piling mo,kung saan lagi masaya ang puso ko;Ngunit nang ika'y mawalay sa 'king piling,at bumitaw ka sa pangako ng ating pagmamahal,kinailangan kong kalimutan,at tiisin ang sakit.
Pilitin ko man na maging masaya,at ipagpatuloy ko ang buhay ko ng wala ka,ay nanatlili pa rin ang mga alaala na kapiling ka pa sa puso't-isipan ko,pilit ko man sabihin sa 'king sarili na,'di ka na mahal,at salungat man ito sa sinisigaw ng puso ko,dahil ang sinisigaw nito,ay ang pangalan mo,at ang mga salitang ito:
"Mahal ka pa rin."
