Nagsimula ang kwento natin sa silid-aralan ng klase ng ika-2,at ika-3 baytang,ika'y nakapwesto sa huling upuan sa kaliwang bahagi ng klase,ako naman'y nakapwesto sa pangngalawang upuan sa kanang bahagi ng klase,na katapat ng pinto.
Ang 'di ko lang inaasahan,sa bawat araw na pumapasok ako,ay unti-unti ng nagbabago ang buhay ko ng panghabang-buhay,sa pang-gugulo mo,ay nainis,at napikon ako,pero pilit mo pa ring pinapatunayan sa 'kin na gusto mo talagang maging kaibigan ko,dahil sa oras na kailangan kita,o hindi,ay na'n dyan ka pa rin,para damayan ako.
At habang lumilipas mga taon,nanatili sa puso ko ang mga alala na ika'y
kapiling pa,ang pinanghahawakan kong pagkakaibigan natin,at ang pagmamahal ko,para sayo.Kahit alam kong nasaktan kita no'n,at wala ng pag-asang maitatama ko pa ang mali ko,dahil may mahal ka ng iba umaasa pa rin ako na balang-araw maayos ang lahat,kahit 'di na kita kasama ngayon.
Upang matapos ko na ang "Kwento nating walang katapusan" para maging masaya na ako,kahit wala na sa buhay ko.
