Chapter Two: Principal
=Mayumi POV=
Sumama ako sakanila kahit alam kong wala akong ginawa. Pinangungunahan ni Sabino ang paglalalakad habang nasa tabi ko yung tatlo. They introduced they're self to me, lately ^__^
Pumasok kami sa isang pinto na kulay puti. Ito lang ang kulay puti na pinto, the rest kasi blue and green na.
"Rence, 'to na ang dyosa." -mahina akong natawa sa sinabi ni Eds.
Nakatayo ako ngayon sa gilid ng desk ng sinasabi nilang Rence. Kunot noo itong nakaharap sa computer na patuloy sa mabilis na pagta-type.
"Full name." -nakatingin parin siya computer ng magsalita.
"Yannie Mayumi Fe." -nakangiti kong sabi.
Sinilip ko kung anong ginagawa niya sa computer. Tina-type niya ang pangalan ko? o__0
"Dito ka ba talaga nag aaral?" -pinaikot niya ang swivel chair paharap sakin.
Tumango ako.
"Bakit pangalan at address lang ang nasa student profile mo?"
"Ahmm, meron rin pong birthday." -alanganin akong ngumiti.
"Meron nga pero walang year. Wala ring contact number. Pati edad mo wala dito."
"Pasensya na po." -sinamaan niya ko ng tingin ng ngitian ko lang siya.
"Akin na number mo." -walang emosyon niya kong tinignan.
"Pero... pag kinuha mo po ang number ko, ako naman po ang nawalan."
Ibinato niya sakin yung ballpen na nahawakan niya pero nasalo ko naman. Nilingon ko ang apat na lalaki na naka upo sa sofa. Nagkibit balikat lang sila ng mapansing nakatingin ako sakanila. Siguro dahil sa student profile ko kaya ako pinatawag ng principal.
"Peram pong papel."
Inusog niya ang isang notebook na malapit sa kamay niya. Nakatingin parin siya sa computer.
0915*******
"Yan na po."
Tinayp niya sa computer ang number ko. Hinarap niya ulit ang swivel chair sakin kasama siya.
"Birthyear?"
"1598"
Sinamaan niya ko ng tingin.
"Im not lying po." -agad agad kong sabi.
"Stop saying 'po', hindi mo ko lolo."
Tumango-tango naman ako.
"Pwede ng umalis?" -ngumiti ako.
Inikot niya ang swivel chair paharap ulit sa computer.
"No."
Nanlaki ang mata ko. "Anong 'no'? Meron akong klase." Humakbang ako ng tatlong beses patalikod. Palayo sakanya.
"Alis na ko." -humakbang ulit ako ng isa.
Tumingin na siya sakin. "I. Said. No."
Huminto ako sa paghakbang.
"Bakit nga kasi?" -ngumuso ako.
"Stop pouting. Hindi bagay sayo."
*clear throats* Hindi naman ako nag pa-pout eh. Sumimangot ako.
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?