Chapter Six: Scary Yumi
=Mayumi's POV=
"Well, I don't think that is a good idea." -nag aalangan kong sabi sakanya.
"Prove it." -pag uulit niya at sumandal sa upuan.
Prove it siya ng prove it. I-prove it ko siya diyan eh!
"Fine."
Humarap ako kay Sabino at tinignan siya sa mata. Pinandilatan naman niya ko na parang nang aasar.
"Iniisip mong baliw ako." -naka simangot kong sabi sakanya.
"HAHAHAHA! Ofcourse. Lahat sila ganyan din ang iniisip." -nakahawak pa siya sa tiyan habang nag sasalita.
"Hindi ah." -pag kontra ko sakanya.
Tinignan ko si Eds sa mata at binasa ang isip niya. Okay! Iniisip niya rin na baliw na ko pero bukod dun...
"Naniniwala ka sakin hindi ba?"
Nag iwas naman ng tingin si Eds. Tumahimik naman si Sabino ng mapansin ang naging reaksyon nito.
"Iniisip naman ngayon ni Sandro ang babaeng ka date niya kagabi."
"Hoy! H-hindi a-ah!" -nginitian ko lang si Sandro dahil na uutal utal ito.
"Okay." -naka ngiti kong sabi sakanya.
"Si Jian iniisip ang tungkol sa arrange marriage niya. Hindi siya nakikinig sakin."
Tinignan ako ni Jian ng marinig niya ang 'arrange marriage'. Masyado siyang aware ah.
Tinignan ko naman si Mr. Principal na hindi na naalis ang kunot ng noo.
"Kunyari ka pang tungkol sa student profile ko ang dahilan kung bakit mo ko pinapunta dun pero ang totoo na curious ka din katulad ng iba. Ayaw mo na kong paalisin dun kasi gusto mong dun lang ako."
Inirapan niya lang ako na parang sinasabing nag sisinungaling ako.
"Naman eh! Maniwala na kasi kayo sakin. Kakainis na kayo ah!"
Ginitgit ko si Mr. Principal na naka upo sa sofa namin. Umusog naman siya ng konti para maka upo ako.
"Sa panahon ngayon, wala talagang maniniwala sa pinagsasabi mo."
Iiling-iling na sabi ni Sandro. Nag buntong hininga nalang ako.
"Kung totoong bampira ka, pati ba siya bampira?" -tinuro ni Sabino si Magic na walang ekspresyon ang mukha.
Tumango lang ako. Lumapit naman si Sabino kay Magic at binuka ang bibig nito. Hinawakan pa niya ang bawat ipin ni Magic.
Pinalo ni Magic ang kamay niya.
"Pwe! Malay ko ba kung san mo hinawak yang kamay mo."
Ngumiti ng nakakaloko si Sabino at binitawan ang salita na nag patakbo kay Magic sa banyo.
"Umihi lang ako kanina." -sabi niya at sinundan ng tawa.
"Stop. Back to topic."
Tinakpan ni Eds ang bibig ni Sabino para tumigil ito sa pagtawa.
"So?" -naka taas ang isang kilay ni Jian habang naka pameywang pa.
Mukha siyang bakla diyan ^__^v
"Wala ka bang ibang patunay na bampira ka nga talaga? Ang weird kasi ng dahilan mo eh. Pwede mo naman sabihin samin ang totoo kung wanted ka bang tao kaya ka nag tatago dito."

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampirosYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?