Chapter 11: What people think

908 23 1
                                        

(Author: People of the earth (') ginagamit ko ang symbol na yan kung sinasabi ng tao sa isip ang salita. Remind lang ^_^ Salamat!)

*~*~*~*~*~*
Chapter Eleven: What People Think


=Mayumi's POV=

Naka higa ako ngayon sa kama ko. Nakatitig sa kisame. Wala kasing pasok ngayon dahil katatapos lang ng sport fest kahapon.

Naririnig ko ang bawat tinig ng tao. Naririnig ko ito kahit hindi ko sila tignan sa mata kaya kahit anong gawin ko hindi ko mapigilang hindi marinig ang mga sinasabi nila sa isip nila kahit pa mga sikreto, naririnig ko.

Bumangon ako sa kama ko. Pupunta nalang ako sa mall. Naligo naman na ko kanina kaya hindi ko na kailangang maligo ulit. Hihihi ^_^

Dinampot ko ang sling bag ko at sinabit sa balikat ko. Lumabas ako ng kwarto tsaka nag paalam kay Magic. Hindi naman na siya nag abalang sumama pa dahil inaantok daw siya.

Pagkalabas ko ng bahay agad akong tumawag ng taxi para magpahatid sa mall. Minsan malalaman mong nag iisip ang tao pag nakatulala ito. O kaya naman pag tahimik lang.

"Dito nalang po."

Inabot ko ang bayad ko sa taxi driver tsaka ako bumaba. Pinagbuksan ako ng pinto ni manong guard kaya nginitian ko siya.

May nakita akong bata na nakatingin ata sa mommy niya na may kausap sa cellphone.

'Lagi naman siyang walang oras sakin eh. Lagi siyang nakababad sa cellphone.'

Nag cross arm ito tsaka sumandal sa kinauupuan niya. Nag patuloy ako sa paglalakad. Kakain na lang muna ako.

'Etong boyfriend ko kala mo walang tinagong masamang ugali eh. Lagi ba namang naka ngiti.'

Napangiti nalang ako dahil sa iniisip ng babaeng yun. Nakakapit siya sa braso ng boyfriend niya habang pinagmamasdan ang ngiti nito.

Pumasok ako sa isang restaurant na hindi ko alam ang pangalan. Umupo ako malapit sa pinto dahil tanaw na tanaw ko ang lahat ng nandito.

Sinabi ko sa waiter ang order ko bago ako bumalik sa pagtingin ng mga taong nadaan. Pero naagaw ang atensyon ko ng apat na babaeng nagke-kwentuhan. Nakangiti sila sa isa't-isa pero iba-iba ang turing nila pag nasa isip na ang salita.

'Pera lang naman ang habol namin sakanya, hindi man lang niya mahalata.'

Napailing nalang ako. Iisa lang ang iniisip nila samantalang ang babaeng tinutukoy ng isip nila; gusto lang namang magpasaya.

"Here's your order, miss."

Ngumiti ako sa waiter matapos niyang ilapag sa mesa ang pagkain ko. Hindi ko alam ang tawag dito sa kakainin ko pero kulay puti siyang pasta na may dahon sa gitna.

'Malaki-laking tip to.'

Natuwa ako sa iniisip ng waiter. They always think about tip pag nagse-serve sila pero yung iba naman iniisip kung masasarapan ba o natutuwa ang mga costumer sa pagse-serve nila.

Bumukas ang pinto ng restaurant kaya napatingin ako dun. Pumasok si Jian na naka akbay sa isang babae. Tumatawa silang dalawa pero teka... parang kilala ko kasi yung babae eh.

Parang...

Parang si Marian! Ay! Si Marian nga talaga. Anong ginagawa nila dito? Close pala sila? Bakit parang hindi nabanggit ni Marian yung sakin.

Anyway, nag patuloy nalang ako sa pagkain. Sa panahon ngayon, wala ng tao ang naniniwala na may nabubuhay pang katulad ko. Hindi ako nakakasigurong kami na nga lang ni Magic natitirang bampira pero siguro nga kami na lang. Siguro.

Naramdaman kong may papalapit sa table ko kaya hindi na ko nag angat ng tingin. Iniisip palang alam ko kung sino na.

'Nandito pala ang bampirang to.'

May bumagsak na dalawang palad sa lamesa ko kaya nag angat na ko ng tingin para tignan siya. Ngumiti ako.

"What are you doing here?" -cold niyang tanong.

"Im eating."

Umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ko at tinignan ang kinakain ko.

"Yuck."

Natawa ako sa reaksyon niya. Hinalo-halo ko kasi yung pasta kaya nag iba ang itsura. Umupo rin naman si Eds na bored ang ekspresyon, umupo rin si Sandro sa gilid ng table na may bakanteng upuan. Naka headset siya.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Nag kibit balikat lang si Eds.

"Hi guys."

Bati ng kararating lang na si Sabino.

"Hi Yumi. Anong ginagawa mo dito?"

Tinuro ko yung kinakain ko.

"Ahmm. Kumakain."

Nag patuloy nalang ako sa pagkain ko. Hindi na sana ako mag aangat ng tingin kung hindi ko lang narinig ang boses ni Magic.

"Sup?"

Nakatingin lang ako sakanya. May dala-dala siyang popcorn kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Kala ko ba inaantok siya at ayaw niyang sumama?

"Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti siya.

"Nakaramdam ako ng bored kaya niyaya ko silang pumunta dito."

Tumango-tango naman ako. Bampira siya kaya hindi na ko mag tataka kung pano niya nahanap ang mga to. Meron naman siyang cellphone pero mas prepare niya talaga ang maglakad at gumala kaya sigurado akong hinanap niya talaga ang mga to.

"Nag kakilala na kayo ni Marian?"

Tumango naman siya.

"A month girlfriend pala siya ni Jian. Playboy pala yun?"

Sabay-sabay namang napatingin yung apat kay Magic.

"Anong 'a month' pinagsasasabi mo?"

Tumigil naman sa pagkuha ng popcorn si Magic at nanlaki ang mata.

"Hindi niyo alam?" -takang takang tanong niya.

Natampal naman ni Magic ang noo niya.

"Patay! Sikreto ata nila yun."

Nag peace sign si Magic habang alanganin na naka ngiti. Nadako naman ang tingin ko sa direksyon nila Jian at Marian. Medyo malayo-layo sila samin.

"Sorry. Hindi ko naman sinasadya na mabasa ang nasa isip nilang dalawa. Tinititigan kasi nila ako kanina kaya tinitigan ko rin sila. Aksidente ko namang nabasa ang nasa isip nila."

Hindi naririnig ni Magic ang sinasabi ng mga tao pag hindi niya to tinitignan sa mata.

"A month. Isang buwan niyang girlfriend si Marian." -naka pout na sabi ni Magic.

Sumama naman ang timpla ni Sabino.

"Akala ko talaga nag bago na siya." -malamig na sabi nito.

Tumingin ako kay Mr. Principal.

"Hindi mo din alam?"

Umiling siya. Tumingin naman ako kay Magic. Tinaas ko ang hintuturo ko at sinabi sakanyang lagot siya. Sinimangutan naman niya ko kaya nginitian ko.

Tumingin ulit ako kila Jian. Pero mas naagaw ang atensyon ko sa iniisip ni Marian.

'Sana totoo nalang to.'

*~*~*~*~*~*

Author here: Uwaaaaa! Sabaw 😭 Lutang na lutang talaga ako ngayon. WHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Salamat sa pagbabasa!

Marian sa media ^_^

She's A Blood HaterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon