Chapter Twenty Nine: Bus
=Mayumi's POV=
I finally reached outside. Naghahabol pa ko ng hininga habang nagpapalinga-linga. Pinara ko ang papalapit na taxi pero hindi ito huminto at nilagpasan lang ako. Ilang taxi pa ang dumaan pero ni kahit isa walang huminto. May humintong bus sa harap ko kaya wala na kong nagawa kundi sumakay. Kailangan kong makauwi agad.
Tinulungan akong makaakyat ng konduktor. Napatingin ako sakanya ng maramdamang malamig ang kamay niya. Ngumiti siya sakin at hinatak na ko papasok. Bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakahila sakin ng kung sino mang bampira to!
Agad-agad akong tumayo at masamang tinignan ang humila sakim. Nagkibit balikat lang ito at kinalabit ang driver ng bus. Nagsimulang umandar ang bus kaya napahawak ako sa dalawang upuan sa magkabilang gilid ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa bampirang kaharap ko at sinusubukan ko ring kilalanin ang nagmamaneho nitong bus.
"Yannie."
Agad-agad akong napalingon sa likod ko ng marinig ko ang boses nayun. Napalitan ng pag aalala ang tingin ko. Nandito silang lahat, walang malay. Si Magic lang ang gising pero malamya ang mata niya na kahit anong oras eh pipikit na. Pinipilit lang niyang idilat ang mata niya.
"A-anong nangyari? B-bakit ganyan ayos niyo? B-bakit kayo nandito? S-sinong gumawa niya sa inyo?"
Umiling lang siya ng isang beses. Nakatali sila sa bawat upuan nitong bus. Madungis din sila na parang naglaro sa putikan. May mga sugat din silang lahat. Maliban lang kay Magic.
"Y-yannie."
Hindi na ko nagdalawang isip na lapitan siya ng banggitin niya ulit ang pangalan ko. Aalisin ko na sana ang pagkakatali niya...
"Wag ka ng magtangka. Uunahin kita sakanila pag tinanggal mo ang pagkakatali niya." Sabi ng hindi ko kilalang bampira.
Hindi ko siya pinakinggan at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko.
"Matigas na talaga ang ulo mo, Mayumi. Sige! Sabay-sabay tayong sasabog dito kung ipagpatuloy mo pa yan."
Tumingin ako sakanya. May hawak-hawak siyang remote na tatlo lang ang pindutan. Nakaamba ang hinlalaki niya sa pinakamalaking pindutan ng remote.
Tumayo ako sa pagkakaluhod at tinaas ang dalawang kamay ko.
"Okay!" Sabi ko at binaba ang kamay ko.
"Bakit kilala mo ko? Sino ka? Anong kailangan mo samin?"
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampirYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
