Chapter Twenty Five: Bears
=Mayumi's POV=
Matapos ang pagbabati-bati napagdesisyunan naming lumabas at maglakad lakad. Nandito kami sa park malapit sa bahay. Nakaupo kami dito sa gitna ng damuhan.
"Tell us about what happen to you when you disappear." Sabi ni Marianne tapos sinubo ang chips na nasa kamay niya.
"It's not intersting. Just a normal day. As always."
Nanatili ang tingin ko kay Marian. She don't know anything. Gusto kong ipaalam sakanya pero paano? Gusto kong sabihin sakanya pero nagdadalawang isip ako.
Paikot ang pwesto namin. Nasa kanan ko si Magic at sa Kaliwa naman si Mr. Principal na nagce-cellphone.
Katulad ni Mr. Principal at nung iba, may alam sila. Pero hindi lahat alam nila. May mga bagay na pag nakita nila maguguluhan sila. May mga bagay na kapag nalaman nila hindi nila maiintindihan. May mga bagay na kapag ginawa nila hindi nila mauunawaan.
Kaya hindi ko rin masabi kay Marian. Gusto ko tahimik lang siya gaya ng normal na tao. Pag nalaman kasi niya ang tungkol sa totoong ako o kami baka pati siya madamay.
Gaano na ba katagal magkaibigan si Kate at Marian? Siguro naman matagal-tagal din bago nalaman ni Marian na wizard si Kate. Ayoko lang sa punto na kapag nalaman na niya ang totoo baka sabihin niya na pinaglihiman siya. Matalino naman siya kaya siguro naman maiintindihan niya.
Kung naniwala nga si Marian na nag-e-exist ang katulad ni Kate sigurado naman akong paniniwalaan rin niya ako. Hindi siya tatawa katulad nila Sabino -,-
"Hanggang saan ang kaya mo?"
"Hanggang sa mawala na ang mga kagaya mo. Kakayanin ko."
Lumingon-lingon ako para hanapin ang nag uusap nayun. Presensya palang nila alam ko na kung ano sila. Padami na ng padami ang mga nakikita kong bampira na nagkalat sa panahon nato. Ang dami ng nakakalabas ng may araw.
"Sandali lang." Paalam ko. Nagtinginan silang lahat sakin kaya nginitian ko sila. "I'll be back."
Tumayo ako. Sinusundan ko lang ang boses ng dalawang nag uusap na yun. Nakarating ako sa likod ng isang fast food chain na park din. Walang katao-tao maliban lang sa dalawang babae na nakaitim. Yung isa naka tayo sa swing at yung isa lumulutang sa ere.
Sabay silang tumingin sakin. Kumunot ang noo ko.
"Camille Diaz?"
Naalala niyo pa ba siya? Siya yung nambubully sakin nung nasa school pa ko ni Mr. Principal. Siya yung naka partner ko nun sa badminton. Remember?
Tapos si Ms. Catelyn. Si Ms. Catelyn yung lumulutang sa ere, nakita ko nanaman ang tunay na siya. May mahahabang pangil at pulang-pula na mga mata. Habang si Camille naman nakatungtong sa swing... at nanlilisik ang paningin na nakatingin sakin. Kulay puti ang eyeball niya na may maliit na itim sa gitna.
"Ms. Beils. Lagi tayong pinagtatagpo. Tadhana mo ba na mapatay ko na?" Sinundan yun ni Ms. Catelyn ng mahinang pagtawa.
Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako kay Camille na hindi din inaalis ang tingin sakin.
"Tititigan mo lang ba ko?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?