Chapter 18: Blame

689 18 0
                                    

Chapter Eighteen: Blame

=Mayumi's POV=

"Kinakabahan ka ba sa sinabi niya?" Tanong ni Kate.

Naka ngiti akong umiling. Sinabihan lang naman niya ko na parang hindi ako tao, kakabahan na ko? Mas kinakabahan ako sa tingin sakin ni Mr. Principal eh. Sinadya pa niyang blangkohin ang isip niya para di ko mabasa. Bakit parang nagagalit siya sakin?

"Yumi, nag text sakin si Rence. Pumunta ka daw sa principal's office may pag uusapan daw kayo."

Nginitian ko si Sabino bago ako maglakad papunta sa principal's office. Napatingin ako kay Detective. Nakikipag usap siya sa isang pulis. Binalik ko ang tingin sa dinadaanan ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng principal's office pagdating ko dito. Pumasok ako. Nakaupo si Mr. Principal sa swivel chair niya habang naka hawak sa baba. Napalingon naman siya sakin ng marinig ang tunog ng sapatos ko.

Walang emosyon niya kong tinignan.

"Ikaw ba may gawa nun?" Malamig niyang tanong.

"Ha?" Hindi ko kasi siya maintindihan eh.

"Ikaw ba?"

Tumayo siya sa kinauupuan niya.

"Ang alin?" Nagtataka ko talagang tanong.

Humakbang siya ng isang beses palapit sakin. Galit na galit siya. "Ikaw ba?! Ha?!"

"Ang alin nga kasi?!" Medyo tumaas na din ang tono ko. Hindi niya nalang kasi diretsuhin eh.

"Are you the one who killed that girl?! TELL ME!"

Napaurong ako sa tanong niya. Kaya ba hindi siya mapakali kanina? Kaya ba ang sama ng tingin niya sakin?

"No. Ano bang klaseng tanong yan? Hindi kita maintindihan. Bakit--"

"Don't lie to me! Sino pa ba ang gagawa nun?! Ngayon lang nangyari to."

Mahina akong natawa.

"So, your blaming me?"

Hindi siya sumagot nakatingin lang siya sakin. Ha!

"HAHAHAHA! What the hell?! Your blaming me. Kaya pala parang galit na galit ka sakin. Ako. Ako pala ang pinagbibintangan mo! HAHAHA!"

Tumigil ako sa pagtawa at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.

"Hindi ako gagawa ng ganung bagay. Hindi ako ang may gawa nun. Gusto mo ba--"

Kwinelyuhan niya ko.

"Shut up! I don't believe you." Galit na galit na sabi niya bago bitawan ang damit ko.

Inayos ko ang damit kong nagulo. "Bakit ako ang pinagbibintangan mo?"

*BLAG!* Sinipa niya yung upuan na nasa harap ko. Tumama yun sa tuhod ko pero hindi ko nalang pinansin.

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon