Chapter 36: Vampire's War

588 15 0
                                    

Chapter Thirty Six: Vampire's War

=Mayumi's POV=

Binigyan nila ng daan sila Kate at Marianne. Nakangisi si Ms. Catelyn sakin. Isang ngisi na gusto kong burahin. Burahin na kahit kailan ay wala ng makaka-drawing. Ramdam ko parin ang panghihina ng braso kong tinurukan ni Dr. Rey ng kung ano kanina. Namamanhid ito.

Inaantay kong sila ang sumugod. Ayokong gumawa ng hakbang na pagsisisihan ko sa huli. Ayoko ring simulan ang laban na ito dahil hindi naman ito ang gusto ko.

Marami pa rin akong katanungan na iisa lang ang kasagutan.

Isinenyas ni Ms. Catelyn ang kanang kamay niya. Hindi naman nag dalawang isip ang mga kasamahan niya na sugurin ako. Iniwasan ko ang mga kukong papalapit sakin, hinatak ko ang isang kamay ng umatake sakin tsaka ko yun pinutol. May kumapit sa buhok ko pero agad ko naman siyang naihagis paharap. Bumaon siya sa pader na nasa gilid ni Ms. Catelyn.

Sunod na sumugod ang tatlong sinenyasan niya. Dinampot ko yung pinutulan ko ng kamay. Malakas ko siyang hinagis patungo dun sa tatlong papalapit. Sabay-sabay silang naging abo.

=Narrator's POV=

Nag patuloy ang paglalaban ng mga bampira sa loob ng isang masikip at madilim na silid habang patuloy sa pagtakbo si Kate at Marianne.

Napahinto silang dalawa ng makita ang kumpol ng bampira na nakaharang sa lalabasan nila. Ilang pinto narin ang nilabasan nila pero parang nagpapa-ikot-ikot lang silang dalawa.

"Hindi dapat kayo damay dito dahil gera NAMIN 'to. Pero nangielam kayo kaya damay-damay na 'to!"

Naramdaman ni Kate ang pagdaan ng malakas na hangin sa gilid niya at naramdaman niya nalang na may nakahawak na sa buhok niya. Muntik ng mabitawan ni Kate si Marianne ng unti-unti siyang iangat ng may hawak sa buhok niya.

"Hindi ba kayo napapagod gumawa ng masama?" Halos hangin nalang ang lumalabas sa bibig ni Kate dahil sa sobrang pagkakatingala nito.

"Hindi. Nabuhay kaming ganito kaya mamamatay kaming ganito."

Alam ni Kate na hindi pangongonsenya ang makakatalo sakanila. Sobra-sobra narin ang pagod niya.

"Puertes de kunai." Bulong ni Kate.

Agad niyang itinarak sa dibdib ng babaeng bampira ang kutsilyong lumabas sa kamay niya gawa ng winika niyang salita. Nakahinga ng maluwag si Kate ng bitawan ng bampira ang buhok niya tsaka ito unti-unting naging abo.

Sa kabilang banda...

Nalibot na nila Rence ang buong bahay nila pero wala silang nakitang ebidensya na nandito si Yumi.

Hinawakan ni Magic ang sintido niya. "Hindi ako pwedeng magkamali. Dito ko talaga narinig yung sigaw ni Yannie." Nagpalakad-lakad si Magic habang ang mata ay nakatingin sa sahig. Bigla siyang lumingon sa mga kasama. "Wala bang basement dito?"

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon