Chapter One: Transferee
=Third Person's POV=
Nakangiting babae ang prenteng-prente na naglalakad sa gitna ng isang university. Binabati siya ng makakasalubong niya na ginagantihan niya ng isang matamis na ngiti at malambing na pagbati. Naka hawak ito sa dalawang strap ng backpack niya na naka sabit sa dalawang balikat niya. Hindi ito nangangawit sa pag ngiti na para bang permanente na ito sa mukha niya.
Wala pang nakakakilala sakanya pero base sa naririnig na bulong-bulungan sa paligid niya, isa siyang transferee. Magaan ang loob dito ng mga estudyante kaya hindi nila maiwasang mahawa sa ngiti nito.
"Saan kaya ang room ko?" Tanong niya sa sarili.
Sinulyapan niya ang I.D niya na may numero ng kanyang kwarto. Napatingala siya sa isang kwarto na tinigilan niya, lalong lumapad ang ngiti nito nang matagpuan rin niya ang hinahanap niya. Dahan-dahan siyang pumasok dito.
"Hello." -malambing niyang sabi.
Naagaw niya ang atensyon ng mga estudyante na naroon. Umupo siya sa bandang likuran habang ang mga tingin sakanya ay hindi na naalis pa.
"Napaka ganda niya."
"Sino siya?"
"Gusto ko siyang maging kaibigan."
"Ano kayang pangalan niya?"
"Itanong natin."
"Ang hot niya, bro."
Ilan lang yan sa bulong-bulungan ng mga estudyante, hindi naman ito naka ligtas sa pandinig ng babae kaya nililingon niya ang mga kaklase at nginitian. Maya-maya rin lumapit na ang dalawang babae na titig na titig sakanya. Nag mamasid lang ang iba pa niyang mga kaklase.
"Uhmm..." Nakangiti siyang humarap dito habang iniintay ang sasabihin nito.
"Ako nga pala si Kate." Pakilala nung unang babae na nagsalita. Hanggang balikat ang buhok nito na mamula mula, maputi at hindi rin ganun katangkad. Maganda.
"Hi." Tipid na sabi ng misteryosang babae habang naka ngiti.
Tumikhim naman ang babaeng kasama ni Kate bago nag lahad ng kamay at nagpakilala.
"My name is Marian." Kinamayan niya ito at sinabihan rin ng hello.
Umupo si Kate at Marian sa magkabilang upuan, so nasa gitna siya.
"Anong pangalan mo?" Nilingon niya si Kate na nasa kanan niya.
"Mayumi." Nakangiti nitong sabi.
Naglapitan na rin ang iba nilang kaklase at pinalibutan si Mayumi.
"Full name naman diyan, girl!" Mahinang natawa si Mayumi ng mag salita ang isa pa niyang kaklase na bakla.
"Yannie Mayumi Beils. You can call me Mayumi or Yumi for short. It's nice to meet you all." Nag blush pa si Mayumi na parang nahihiya.
Tumili ang mga babae at sumigaw ang mga lalaki niyang kaklase dahil sa tuwa nang makitang nag blush ito.
'Sana pwede ko siyang hawakan. Napaka ganda talaga niya. Natotomboy ako, pisti!' -isip isip ni Marian.

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
WampiryYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?