Chapter Thirty Nine: Say Goodbye
=Mayumi's POV=
"Wag kang bibitaw."
Nahawakan ko siya bago siya tuluyang mahulog. Malalim na balon ang paghuhulugan ni Sabino. Hawak ko ang isa niyang kamay at hawak naman ni Magic ang isa niyang kamay.
"TULUNGAN NIYO KAMI DITO!" Sigaw ni Magic. Agad namang lumapit sila Rence, Eds, Jian at Kate.
"Iaangat ka na namin." Mahinahong sabi ko sakanya.
Nakangiti lang siya pero tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha niya.
"H-hindi kaya. P-pakiramdam ko h-hinahatak ako p-pailalim." Pilit na sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "N-no. Ikaw ang nagsabi sakin na makakalabas 'tayo' dito kaya dapat ikaw ang mas matatag. Isipin mo lang na naiaangat ka na namin."
"Yannie, iangat mo na."
Tumulong rin yung iba na iangat si Sabino pero hindi ko maramdamang umaangat siya.
"Hindi to pwede."
Napalingon ang ulo ko sa gawi ni Detective Yu. Nakahiga ang ulo ni Sandro sa hita niya. Nilapitan sila ni Jian.
"Lalong bumabagal ang pulso niya kailangan na nating makalabas dito. Please Sandro."
Napatingin ako kay Marianne. Umubo-ubo siya ng dugo.
"Yannie."
Napatingin ako kay Magic.
"Keep pulling." Sabi ko sakanya.
"Pakiramdam ko lumulubog ak— AHHHHH!.
"Magic!"
Bago pa ko mahatak nahawakan na ni Rence ang kamay ni Sabino na hawak ko kaya dalawa na kaming nakahawak dun.
Napatingin ako sakanya. Nakatingin rin siya sakin.
"Sorry." I mouthed.
Binalik ko ang tingin kay Sabino.
Pilit na tinatanaw ni Sabino si Magic na nakahawak sa isa niyang kamay. Lalong bumigat dahil hawak ni Sabino si Magic at hawak namin si Sabino.
"H-hold tight." Karag na boses na wika ni Sabino.
Hindi ko makita si Magic dahil madilim sa loob ng balon at lumulubog narin ang araw.
This is crazy!
"Magic, abutin mo ang kamay ko. Nakikita mo ba?" Eds.
Hindi umimik si Magic.
"H-hawak ko pa siya. W-wag kayong mag alala." Nakangiting wika ni Sabino. Punong-puno rin ng pag aalala ang boses niya.

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampirYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?