Chapter Nine: To The Rescue
=Mayumi's POV=
Nakatingin lang ako kay Magic habang nagsasalita siya. Hindi ko siya maintindihan, walang napasok sa isip ko. Ngayon lang ako nagka ganto.
Kakauwi ko lang dito sa bahay namin. Tinadtad naman ako ng tanong ni Magic pero tulala talaga ako. Alam naman niyang hindi ako pumasok at galing ako kila Mr. Pricipal.
Mr. Principal? Argh! Nakakahiya talaga ang nangyari kanina. Kasalanan naman niya eh. Kung hindi ba naman siya nagtatapon ng balat ng saging sa sahig... edi sana, hindi ako madudulas at hindi niya ko...
Maki-kiss!
Wag niya kong sisisihin pero sinisi ba naman ako kanina. Hays -__-
"HOOOOOOOYYY!"
Iniling-iling ko ang ulo ko para kalimutan ang nangyari kanina. Kanina parin kasi ako sinisigawan ng babaeng nasa harap ko.
"Sorry. May naalala lang."
Nakakalokong ngiti naman ang binigay niya sakin kaya nag buntong hininga nalang ako.
Binasa nanaman niya ang isip ko.
"Lalabas lang ako para bumili ng mga can goods. Ang sarap pala ng sardinas noh? Kanina lang ako naka tikim nun eh."
Nakangiti naman akong tumango sakanya. Binitbit niya ang shoulder bag niyang pink at nagmamadaling lumabas ng bahay. Ang lamig-lamig sa labas naka palda lang siya.
*~*~*~*~*~*
=Magic's POV=
Pumunta ako sa pinakamalapit na convenient store para bumili ng pang-araw-araw na kakainin namin.
Mga ilang minuto narin akong nag iikot dito pero goya palang ang nadadampot ko. Ang hirap talagang bumili lalo na parang gusto kong bilhin lahat to.
Pumunta nalang ako sa stool ng mga can goods. Kumuha ako ng sampung piraso sa bawat isang brand. Kaya ko namang bitbitin to eh.
Sumunod naman ako sa mga chocolates. Butterfinger, tobleron, galaxy, goya, chocnuts, choco choco at kung ano pang makita ko.
Dalawa lang ang kamay ko kaya okay na siguro ang lahat ng to. Baka hindi ko na kayanin sa dami ng plastic bags eh.
Pumunta ako sa cashier at binayaran lahat ng binili ko. Tinignan pa nga niya ang likuran ko kung may kasama ba ko. Mabigat nga naman kasi yun tapos ako lang mag isa ang magbibitbit diba?
Pinagbuksan naman ako ng guard ng pinto para makalabas ako. Nginitian ko naman siya at nagpasalamat.
Sampung plastic bag ang bitbit ko. Lima sa kanan, lima sa kaliwa.
"Miss, kailangan mo ba ng tulong?"
Nginitian ko lang ang sidecar boy na nagtanong.
"Thank you. Magaan lang naman."
Nagtaka naman siya sa sinabi ko.
'Kakayanin niya yan? Babae ba to?'
Sabi niya sa isip niya. Sasakay kasi ako ng taxi kaya hindi ko na kailangang mag side car. Umalis naman na yung sidecar boy kaya nag abang na ko ng taxi. Alas otso pa lang naman pero bakit parang wala ng nadaang taxi?
"Miss."
Lumingon naman ako sa likod ko pero mali. Nabitawan ko ang bitbit ko ng may tumakip sa bibig ko. Unti-unting nanghina ang katawan ko kaya hindi na ko nakapalag. Manghihina lang ako pero hindi ako makakatulog. Si Yannie lang ang hindi tinatablan ng pampatulog, hindi siya nanghihina o aantukin kahit ilang beses pa siyang maka amoy nun.
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampiroYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
