Chapter Twenty Six: Detective Yu
=Magic's POV=
Kinumutan ko si Yannie bago ako lumabas ng kwarto niya. Natagpauan namin siya sa park sa likod ng isang fast food chain kasama ang isang babae na sabi ni Rence ay estudyante daw sa school niya na Camille ang pangalan.
"Kamusta na siya?" Bungad sakin ni Rence.
Nagkibit-balikat lang naman ako. "Tulog parin." Sagot ko.
Nung inuwi namin sila Yannie at Camille ay iniwasan naming makita ni Mariane ang kalagayan ni Yannie dahil baka biglang mag hilom ang sugat ni Yannie ipagtaka pa niya.
Yannie's gonna be fine.
Tumango-tango naman si Rence tsaka humiga sa mahabang sofa. Napabuntong hininga naman ako at napalingon sa sahig. Nakalatag yung single na foam at kasalakuyang natutulog si Sabino dun. Napagod ata siya sa kakanguya.
Tahimik lang naman si Kate at Mariane na nakaupo pa sa isang sofa habang pinaggigitnaan nila si Jian. Si Sandro at Eds naman naka upo sa sahig habang naglalaro ng chess.
*Ding Dong*Ding Dong*
Tumingin silang lahat sakin na parang sinasabi na ako na ang magbukas ng pinto. Mahina akong natawa, sabay-sabay kasi sila.
Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang babaeng naka shades at may bitbit na notebook. Itinaas nito ang suot na I.D at ginawang headband ang shades niya.
"You can call me, Detective Yu. Hi, Im here to ask you some questions. Can I come in?"
Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto tsaka siya pumasok. Dire-diretso siyang pumasok hanggang sa sala. Kunot-noo nitong pinagmasdan ang mga kasama ko.
Tinuro ko ang isahang sofa. "Please sit down."
Umupo naman siya. Umupo rin ako sa katapat na sofa. Napatingin pa siya kay Sabino na natutulog sa sahig.
"Sorry about him. He fall asleep."
Tumaas ang isa niyang kilay. "Bakit naman siya naka tulog diyan?"
Ako naman ang nagtaka ngayon. Kailangan may rason kung bakit nakatulog si Sabino?
"Maybe because he's tired?" Patanong kong sagot.
Tumango-tango siya. "Bakit siya napagod?"
Natampal ko ang noo ko. Hindi naman yun napansin ni Detective Yu dahil nakatingin siya sa notebook niya.
"You know what, Detective Yu?" Sabat ni Sandro.
"What?" Simpleng sagot ni Detective.
Inirapan muna siya ni Sandro bago magsalita ito. "Just get to the point!"
Inirapan rin siya ni Detective Yu. "About what happen to the park--"
Naputol sa pagsasalita si Detective ng sumingit nanaman si Sandro. "Yan! Yan naman talaga ang pinun--"
"Shut up!" Pagputol sakanya ni Detective.
Napailing nalang ako sa inasta nilang dalawa. May chemistry sila ah ^__^
"By the way, ano ang ginagawa niyo sa park kanina?" Tanong niya ng hindi nakatingin sakin.
"We're having a picnic."
Nag angat siya ng tingin at ngumisi. "I know. Ano ang ginagawa niyo sa park sa likod ng fast food chain?"
Hindi ako naka sagot. Oh oreo! Ngayon ka na sumabat Sandro!
"I know na pumunta kayo sa park nitong subdivision to have a picnic pero bakit nakarating kayo sa park sa likod ng fast food chain? Medyo malayo yun sa park nitong subdivision."
May kinuha siyang mga pictures na nakaipit sa notebook niya at pinakita yun sakin.
"Actually, I don't know what happen to the park that time pumunta kami dun to fetch my friend--"
"Who's friend?" Pagputol niya sakin.
"It's a friend of mine."
Tumango-tango lang siya. Nahalata niya sigurong ayaw kong sabihin sakanya kung sinong friend ba ang tinutukoy ko. Well, it's just Yannie. I got this weird feeling simula ng makita ko tong si Detective Yu at hindi ko alam kung bakit ayaw kong banggitin ang pangalan ni Yannie sakanya.
"Kokontakin ka nalang namin pag may nalaman kami na hindi mo malaman ngayon." Napalingon kaming dalawa ni Detective kay Rence.
"Mr. Expiry? Nice to meet you again. Hindi mo na ko kinontak pa pagtapos ng insidente sa eskwelahan mo. How are you?"
Bumango mula sa pagkakahiga si Rence at tumingin kay Detective. Nanatili lang naman siyang nakaupo.
"About that case, close it. Sinabi ng pamilya ng estudyante na wag na daw pagtuunan yun ng pansin pero if I were you itutuloy ko ang kaso. And Im fine."
Minsan talaga ang gulo kausap nito ni Rence sabi niya i-case close na tapos ituloy pa daw. Hanep diba?!
"Oh." Napaawang ang bibig ni Detective Yu tsaka idinako ang tingin sakin.
Naglabas siya ng calling card at inabot yun sakin.
"Give me your number too. Baka sakaling hindi mo ko kontakin."
I dictated my number to her. Diniretso naman niya yun sa phone niya bago tumayo at inayos ang bitbit niyang notebook. "I'll gotta go."
Tumango naman ako. "Hatid na po kita." Sabi ko sabay tayo.
"Ako na." Napatingin kaming dalawa kay Sandro. "Ako na maghahatid sakanya." Pag uulit nito tsaka tumayo at pinagpag ang pants niya.
Nagkibit-balikat nalang ako at pinabayaan silang dalawa. Bumalik ako sa pagkakaupo at nilingon si Eds na naglalaro mag isa ng chess, bumalik naman si Rence sa paghiga sa sofa at nag cellphone. Tulog parin si Sabino at patuloy parin sa pagke-kwentuhan sila Mariane, Kate at Jian.
Napabuntong hininga ako at nilingon ang pinto. Si Sabino, Eds, Jian, Sandro at Rence na mortal, alam kung pag nag kagirian madadamay sila. Idagdag narin si Mariane na sooner or later malalaman niya narin ang tungkol samin ni Yannie.
Detective Angel Yu...
Ayoko ng may madamay pa. Sila Sabino, Eds, Jian, Sandro, Rence at Mariane.. may mga bagay na kapag nalaman nila hindi nila maiintidihan, may mga bagay na kapag nakita nila hindi nila mauunawaan, may mga bagay na kapag naranasan nila hindi sila maliliwanagan.
Ganun kakumplikado. Ganun kadelikado. Ganun kagulo. Nakakaloko.
Mahirap paniwalain ang isang detective na immortals are still existing pero kung ipagpalatuloy niya pa ang pangingielam at sa pag alam ng mga bagay-bagay siya rin ang maguguluhan.
Detective Yu, wag ka ng makigulo!

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampirosYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?