Chapter 7: Rence Expiry

1K 28 0
                                    

Chapter Seven: Rence Expiry

=Mayumi's POV=

WHAHAHAHAHA! Ayown! Umuwi na sila. Natakot ata.

"Do you trust them?"

Tinanguan ko lang ang seryosong mukha ni Magic.

Kinabukasan...

Uwaaaaa! Umaga nanaman na. Nakabihis na ko ngayon. Binitbit ko ang bag ko at lumabas ng kwarto.

"Im going." -sabi ko kay Magic.

"Sige. Ingat."

Lumabas ako ng bahay at inumpisahan ang paglalakad papuntang school. Katulad ng araw-araw na pangyayari maraming tao sa bawat kanto, nagmemeryenda sa harap ng bakery at nagke-kwentuhan sa tapat ng kani-kanilang bahay.

May mga nagsisigawang mag asawa, mag jowa na nag susuyuan, mag kaibigang nagliligawan at asawang nangbababae ang hinahabol ng asawa niyang babae habang may dalang itak.

Tumapat ako sa isang tahimik na eskwelahan. Kulay puti ang malaking gate at maraming estudyante ang pumapasok ng may suot na usual expression tuwing umaga.

May masaya, katulad ko. Umiiyak, siguro kasi may problema sa bahay nila. Malungkot, kasi nag lalakad mag isa. At isang tao na walang ekspresyon ang mukha, katulad ni Mr. Principal.

Binilisan ko ang lakad ko para maka pantay siya sa paglalakad.

"Goodmorning. Kamusta ang araw mo?"

Tinignan niya ko saglit at ibinalik ulit ang tingin sa daan.

"Pwede bang lumayo ka sakin? Alam mo namang natatakot ako sayo."

Ako ang pinapalayo niya pero siya ang dumistansya. Naman talaga eh!

"Alam mo po Mr. Principal hindi ka naman natatakot sakin eh. Ginagawa mo lang yun na dahilan para hindi na ko lumapit sayo."

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Humarap siya sakin kaya humarap rin ako sakanya.

"Alam mo naman pala eh."

Nginitian ko siya.

"Bakit naman ako lalayo?"

Naihilamos niya ang sariling palad.

"Basta. Layo ka na sakin. Shoo!"

Sumimangot ako.

"Sige."

Nauna na ko sa paglalakad sakanya. Bigla nalang akong napangiti sa hindi malamang dahilan.

Mga nakakasampung hakbang na ko ng maramdaman ko ang nga yapak niya. Hays, alam na alam ko na ang presensya niya.

May umakbay sakin. Take note: PARA AKONG SINASAKAL.

"Biro lang. Masyado mo namang dinamdam."

Tinapik ko ang braso niyang sinasakal ako.

"Pinagtitinginan tayo."

Inalis niya ang kamay niya at nilibot ang paningin sa paligid. Oh! Kay Mr. Principal lang pala sila naka tingin hindi sakin.

Humiwalay na si Mr. Principal ng madaanan namin ang principal's office. Ni hindi na ko nilingon eh.

"MAYUMI!"

Nginitian ko si Marian. Tumatakbo siya papunta sakin habang kumakaway-kaway.

"Hi." -sabi ko ng maka lapit siya.

She's A Blood HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon