Chapter Sixteen: Kate
=Mayumi's POV=
Inalis ko muna sa isip ko ang tungkol sa black note. Kung buong araw ko iisipin yun baka hindi ako makapag concentrate sa pag aaral. Nagkita kami ni Ms. Catelyn sa pangalawang period. 3 hours ang schedule niya samin pero every hour umaalis siya para mag banyo. Hindi naman na siya masyadong natingin sakin di tulad ng dati kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
Mukang natatakot nga si Mr. Principal na sisantihen siya.
Nag ring ang bell kaya natuwa ang lahat ng estudyante. Hindi ako pinatawag ni Mr. Principal ngayong araw na to kaya nag didiwang ako! WHAHAHA!
"Yumi. Sabay-sabay na tayo nila Kate kumain. Tara na!" Nginitian ko si Marian bago sumunod sakanila. Natutuwa rin ako na hindi na ko pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Nginingitian nalang nila ako tuwing masasalubong nila ako.
Nakarating kami ng cafeteria. Maraming napapalingon samin, todo kaway naman tong si Marian. Nakahanap kami ng mauupuan. Nag volunteer naman si Marian na siya na ang bibili.
"Hanggang kelan mo itatago sakanya?" Tinignan ko si Kate ng nakangiti.
"Ha?" Nagtataka kong tanong sakanya. Ngumisi siya na nag paalis ng ngiti ko.
"Hanggang kelan mo itatago kay Marian na alam mo kung anong meron sila ni Jian?" Kumunot na ang noo ko. Pano niya nalaman?
"Anong sinasabi mo? Pano mo nalaman yung tungkol dun?"
Ngumiti siya. "Ayos lang kahit ayaw mong sagutin yung tanong ko. Pero may pangalawa akong tanong."
Huminga ako ng malalim para ihanda ang sarili sa itatanong niya.
'Hanggang kelan mo itatago sakanya na bampira ka?' Titig na titig siya sa mata ko habang tinatanong yun gamit ang isip niya.
Silence.
Ngumiti ako ng marealize ko kung paano nalaman ni Kate ang lahat ng ito. Ngumiti rin naman siya.
"Wizard ka." Natatawa kong sabi sakanya. Nagkibit balikat siya na parang proud na proud pa.
"Hindi pa ito yung tamang panahon para malaman niya." Sagot ko sa dalawa niyang tanong.
Sumandal siya sa upuan niya. Magkatapat kasi kami eh. "Okay." Naka ngiti niyang sabi. Hindi ko man lang agad nalaman na wizard siya. Ang galing niyang magtago ng presensya *clap*clap*claps*
"Know what? Masasaktan siya pag pinatagal mo pa yung sikretong tinatago niyo." Seryosong sabi niya. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon. Nabwelo pa kasi ako kung sasabihin ko ba o hindi eh.
Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng mesa. "Ilang taon ka na?" Natatawa kong tanong sakanya.
Tumawa rin siya bago sumagot. "1054." WHAHAHA! MAS MATANDA PALA SIYA SAKIN.
"Shoul I call you 'ate'?"
Napangiwi siya. "Nah! Never." Tumawa ako sa sagot niya. Kung titignan siya para lang talaga siyang isang normal na tao. Itim ang mga mata niya at merong maamong mukha.
Hindi siya yung tipo ng wizard na may sinasabing spell para makagawa ng kakaibang bagay. Vampire wizard siya. Sunod-sunuran sa mga nakakataas na bampira. Ginagamit ang mga katulad niya para pumatay ng pinaparusahan. Meron ring mga vampire wizard ang sunod-sunuran sa vampire hunter.
Nag sasabi rin naman siya ng mga spell pero hindi siya gumagamit ng kung anong stick. Hintuturo lang ang gamit niya. Kung tutuusin halos lahat ng gusto niya makukuha niya sa isang pitik lang ng daliri niya pero palagay ko...
Ginaganit naman niya sa mabuti kung anong meron siya. Sa palagay ko.
"Why are you staring me?" Natatawa niyang tanong. Umiling lang ako.
"Alam ba ni Marian kung ano ka?"
Tumango siya. "Sa una nga natakot siya. Tili siya ng tili pero hindi ko naman siya pinigilan kahit masakit na tenga ko. Pinabayaan ko lang siya." Paliwanag niya.
Nagtaka naman ako. "Hindi ka naman nag babago ng anyo bakit siya natakot sayo?" Nagtataka kong tanong.
"Niligtas ko kasi siya noon tapos nakita niya yung ginawa ko dun sa mga nambastos sakanya. Pag alis nung mga nambastos sakanya nag umpisa na siyang magtititili."
"Ano ba kasing ginawa mo sa mga nambastos sakanya?"
Natatawa siya habang may inaaalala. "Pinalipad ko."
Malayo ang pagkakaiba nila ni Marian. Sa una hindi aakalain ng sino man na magkakasundo sila. Tahimik si Kate, maingay naman si Marian. Marami rin silang hindi pinagkakasunduan na mga bagay-bagay.
Inikot ko ang paningin ko. Ang tagal naman ni Marian. Si Marian yung tipo ng tao na mabilis mauto, mabully o kawawain.
Nahagip naman ng mata ko si Marian na mukhang nakikipagtalo kung kanino. Mukhang natapon rin ang mga bitbit niyang pagkain dahil nagkalat na ito sa sahig. Tumatawa yung mga nakabangga kay Marian habang nakatingin lang si Marian sakanila. Tinulak nung isang babae si Marian pero hindi ito natinag sa kinatatayuan niya. Uulitin pa sana to ng babae ng may lumipad na plastic cup at lumanding ito sa mukha niya, lihim namang natawa si Marian.
Tinignan ko si Kate nakatingin rin siya kila Marian habang naka ngiti. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang may gawa nun.
Nakatingin lang ako sakanya habang patuloy sa pag ikot ang darili niya. Sa hinaharap niya, mamamatay siya ng dahil kay Marian. Uubusin ang mga mahal niya sa buhay. Uubusin yun ng taong darating sa buhay niya at bibigyan siya ng panandaliang saya.
Kailangan niyang pigilan yun!
Sa tadhana nalang rin siya aasa.
Kagaya ko.
Kung patuloy niyang pro-protektahan ang taong tatapos sa buhay niya hindi na magbabago ang tadhana. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan niyang maging masaya at magpasaya. Matuto siyang masaktan at manakit. Hindi ng pisikal...
Kundi ng nararamdaman.
Wala man lang akong makitang maganda sa hinaharap niya. Kung sisirain lang niya ang nakatadhanang kamatayan niya baka nga maging masaya siya kasama ang taong darating sa buhay niya na panandaliang magbibigay ng saya sakanya pero habang buhay na niyang makakasama.
Hindi dapat siya kumapit sa kahit kanino. Kailangan lang niyang kapitan ang sarili niyang kamay para walang masaktan.
May kumalabit sa likod ko kaya napalingon ako dito. Nakapamulsa si Mr. Principal na may usual na ekspresyon.
"Kanina pa kita hinahanap." Malamig niyang sabi. Ngumiti ako sakanya bago ituro ang espasyo sa tabi ko para dun siya maupo.
Sumunod naman ang mga kaibigan niya. Katabi ko si Mr. Principal tapos katabi niya si Sabino, katabi naman ni Sabino si Sandro. Pang limahan naman ang bawat seats kaya nag kasya kami. Umupo si Jian sa kanan ni Kate at sa kaliwa naman si Eds.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Bagay na bagay talaga sila. Parehas silang magiging masaya kung hindi sila magsasama sa kabilugan ng buwan. Dapat hindi sila mag kita sa gabing yun. Dapat iwasan nila ang gabing yun.
Hindi ko pwedeng sabihin sakanila ang hinaharap nila dahil baka ako ang makasira nito. Pero pwede akong gumawa ng paraan para hindi matuloy ito.
Kate...
Si Eds ang kamatayan mo.
*~*~*~*~*~*
Author Here: Natatagalan ang update nabi-busy kasi sa kung ano-anung bagay eh. Patawad ulit sa maikling update ^__^v
Thanks for reading!
Mahal ko kayo :*

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampirosYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?