Chapter Twenty Two: Address
=Edison's POV=
"Pinagsasabi mo?" Bored kong tanong sakanya. Seryoso siyang naka tingin kay Rence at hindi man lang ako nilingon.
'Tong Sabino na'to napaka weird din minsan eh. Isipin mo ba namang nagse-seryoso siya ngayon kahit napaka isip bata niya. Nakakaloko!
Im Edison Lee, hindi ako madaldal. Yun lang -__- Naka upo ako dito sa sofa katabi si Kate sa kanan at sa kaliwa naman si Jian. Tamad na tamad na kong tumingin sa Rence na malungkot. Yuck! Hindi bagay sakanya magdrama, muka siyang t*nga -,-
"Alam ko kasi kung nasan si Yumi." Sabay-sabay kaming lumingon sakanya. Sinakto pa niya ang lakas ng boses niya para marinig yun ni Rence. Kaya pati si Rence tumingin sakanya.
Huminga ng malalim si Sabino tsaka ngumiti. "Wag niyo nga kong tignan ng ganyan. Problema ko ba kung bakit ayaw niyang ipaalam? Tsaka, alam rin kaya ni Kate kung nasan si Yumi kaya wag niyo kong tignan ng ganyan." Kumakaway-kaway pa ang dalawa niyang kamay na parang sinasabing wag nga siyang tignan ng masama. Isip bata talaga!
Galit na tumayo si Rence at lumapit kay Sabino. Kwinelyuhan niya ito.
"Alam mo pala?! BAKIT PINATAGAL MO PA HA?! KAHIT NA SABIHIN NIYANG WAG--"
Hinawakan ko ang balikat ni Rence. Galit naman siyang tumingin sakin. Ayan! Ayan ang matang gusto kong nakikita -,-
"Wala ng magagawa yang galit mo, pre. Palipasin mo na."
Padabog niyang binitawan si Sabino. Inalis niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya.
"Spill it out." Mahinang sabi ni Rence habang masama paring naka tingin kay Sabino.
"#43 Sunflower Street."
Sabay-sabay kaming nalaglag ang panga. Este, napanganga. Kapitbahay lang ni Rence si Yumi?!
"Are you trying to make fun?" Madiing tanong ni Rence.
Nakangiting umiling si Sabino. "Sa company namin sila tumawag para magpahakot ng gamit kaya alam ko kung nasan sila."
Mabilis na lumapit si Rence kay Sabino at agad na kwinelyuhan to.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
Kumunot ang noo ni Sabino at marahas na inalis ang kamay ni Rence sa kwelyo niya. "It's not my fault, bro. She's begging me a hundred times not to tell you where is she. You hurt her! And that's freaking the answer. Sinabi ko to kasi naaawa na ko sayo. Your always out of your mind."
May nilagay na maliit na papel si Sabino sa kamay ni Rence. Tinignan yun ni Rence at muling binalik ang tingin kay Sabino.
"Hindi ko sila binibisita kahit miss na miss ko na siya. Huwag mong ikagalit sa iba ang dapat na iginagagalit mo sayo. But don't blame yourself dahil alam naman naming lahat na nabigla ka lang."
Tumalikod si Sabino at akmang lalabas na ng pinto...
"Wait."
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
