Chapter Twelve: Vampire Blood Sucker
=Mayumi's POV=
Lumabas na kami ng restaurant at naglakad-lakad. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta eh. Lakad lang kami ng lakad.
"Yumi, secret lang to ha? Yung about samin ni Jian. Wala kasing nakaka alam sa university eh. Baka kuyugin ako ng fans niya pagnalamang kami na eh."
Sandali kong nilingon si Marian bago ulit tumingin sa dinadaanan ko. Nasa gitna kasi nila ako ni Magic eh.
"Sure. I'll take it as a secret."
Hindi na namin binanggit sakanila ni Jian ang tungkol sa nalaman namin. Mas pinili kasi naming hindi nalang sabihin sakanila kasi baka maging awkward lang ang moment eh.
Anyway, hindi talaga namin alam kung saan kami pupunta.
"Wait. Hinto muna tayo. San ba talaga tayo pupunta?" -tanong ni Magic.
"Malay ko sainyo. Nasunod lang kami eh." -sagot ni Sabino.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Magic dahil sa pamimilosopo nito.
"Sine tayo?" -suggestion ko.
"Sorry. Galing na kami dun."
Tumango naman ako sa sinabi ni Magic. Kaya pala may dala siyang popcorn kanina.
"Basta maglakad-lakad nalang muna tayo." -bored na sabi ni Eds.
Bigla siyang binatukan ni Sabino.
"ANO BA?!!" -reklamo niya.
"Ang ganda kasi ng suggestion mo." -nanliliit ang mata ni Sabino habang sinasabi niya yun.
*~*~*~*~*~*
Sinilip ko ang wrist watch ko. Alas otso na pala ng gabi. Naglalakad na kami ngayon dito papauwi sa bahay namin. Hinatid ni Jian si Marian pauwi at nag sari-sarili naman sila Sabino, Eds at Sandro na umuwi. Pinilit nila si Mr. Principal na ihatid kami.
Kaya eto siya naglalakad sa likod namin habang naka simangot. Okay na rin na nakasimangot siya, minsan lang naman siya magkaroon ng ekspresyon eh kaya lang puro galit at naka simangot naman.
Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin sila Magic at Mr. Principal, nakatingin lang sila sakin.
"Problema mo?" -walang gana niyang tanong.
"Yumi?"
Sumingot-singot ako dahil malakas ang pakiramdam ko na hindi ako nagkakamali ng inaamoy.
Bigla kong natakpan ang ilong ko ng lumalakas na ang amoy nito. Tinignan ko naman si Magic na sumisingot-singot din. Lumalabas na ang pangil niya kaya tinakpan ko ang ilong niya ng panyo kong may pabango.
Nakatakip ang isa kong kamay sa ilong ko habang inaalalayan ko ang panyong nasa ilong ni Magic.
Unti-unti namang bumalik ang kulay itim niyang mata. Nginitian ko siya. Aalisin niya sana ang panyo pero umiling ako.
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
