Chapter Ten: Oreo Lover
=Mayumi's POV=
Maayos kaming naka uwi. Natutulog ngayon si Magic, kanina pa kasi pumipikit ang mata niya. Andito rin yung lima.
Patuloy naman ang pag daloy ng dugo sa kanang balikat ko.
"Masakit to." -ngumiti lang ako sa sinabi ni Jian.
Siya kasi ang mag aalis ng bala sa kanang balikat ko. Naka upo ako sa sofa at naka harap ako sakanya.
Inumpisahan na nga niyang tanggalin ang bala ng dahan-dahan. Nang matanggal niya na to ay nilagay niyo to sa tabong may maligamgam na tubig.
"Ayos ka lang ba? Masakit ba?" -tanong ni Sabino.
Nakangiti akong umiling na nagpanganga sakanya. Ibinaba ko ang manggas ng damit ko.
"Punta lang akong banyo."
Tumango naman yung apat. Naghihilik na kasi si Mr. Principal sa mahabang sofa.
Pumunta ako ng banyo at hinugasan ang braso ko. Putlang-putla narin ako dahil sa dami ng dugo na nawala sakin. Nakatingin ako sa salamin habang tinitignan ko ang sugat ko. Umuusok ito habang unti-unti sumasarado. Ibinaba ko ulit ang manggas ko at lumabas ng banyo.
*~*~*~*~*~*
LATE NA KOOO! Hindi ako ginising ni Magic, baka tulog parin siya hanggang ngayon. Nagmamadali kong dinampot ang backpack ko at lumabas ako ng bahay at tumakbo. Takbong tao naman ang ginawa ko. Sa school nalang rin ako kakain.
Nakarating ako sa school ng mahigit limang minuto. Isasarado na sana nung guard yung pinto buti naka habol pa ko.
Pag nga naman kasi minamalas ako eh. Tumatakbo parin ako papuntang room ko pero pag dating ko dito walang tao. Tumuloy parin ako sa pagpasok, merong note sa board.
Dear late students,
Go to the gym for activities in P.E wear your P.E uniform. Thanks for understanding.
Ms. Gonzaga,Tumango-tango naman ako pagtapos kong basahin yung note. Buti nalang at dala ko ang P.E ko. Dumiretso naman ako ng banyo para mag palit ng damit. Walang uniform tong school pero may P.E ^__^ Gets ba?
*~*~*~*~*~*
Nandito na ko sa gym naka upo katabi si Marian. Naglalaro kasi ng volleyball si Kate. Mamaya naman kami sa badminton.
"WHOA!" -sigaw ng mga kaklase ko ng malakas na hampasin ni Kate ang bola. Kasabay nito ang pagtapos ng oras, sakanila ang score.
Panalo rin ang section namin sa basketball kanina at ngayon naman sa volleyball. Kakampi ko si Camille sa badminton ngayon and I think...
Being her partner is a nightmare!
"For the players of badminton will be at class-C, Mayumi Yannie Beils and Camille Diaz." -sabi nung emcee na nag-a-assist ng program.
Binanggit din niya kung sino ang makakalaban namin. Naunang maglakad si Camille papunta sa gitna ng gym. Pumwesto kami sa lugar namin, naka ngiti naman ang mga makakalaban namin.
"Hey, make sure na marunong ka nito dahil pag natalo tayo lagot ka sakin." -sabi ni Camille at inirapan ako.
Kinuha namin ang tag-isang raketa na inaabot samin ni Ms. Gonzaga. Nag goodluck narin siya samin.

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?