Chapter Thirty Four: Vampire's Crave
=Kate's POV=
Nakalas ko yung tali ng kamay ko kanina pero nahuli agad ako kaya kadena na ang ipinantali sakin. Punong-puno narin ang katawan ko ng latay ng latigo. Nakatayo ako ngayon nang nakataas ang dalawang kamay. Nangangalay na ko.
Hindi ko alam kung saan nila dinala si Yumi. Si Marianne naman nilipat din ng kwarto pati si Sabino. Hindi ako makagawa ng paraan para makaalis dito dahil hindi ako makapag-isip ng maayos.
Madilim na kwarto ang kinalalagyan ko. Pinatay ni Andy yung ilaw bago siya lumabas ng kwartong 'to para iwan ako. May konting liwanag na nanggagaling sa labas ng maliit na bintana dito.
Paano ko naman malalaman kung nasaan kami?
*~*~*~*~*~*
=Mayumi's POV=
Nakatitig ako sa puting kisame. Nakagapos ang mga kamay at paa habang nakahiga sa malamig na bakal na lamesa. Tanging ihip lang ng hangin ang naririnig ko. Hindi ko man lang nalaman kung paano napunta sila Kate, Marianne at Sabino dito. Kung problema ito ng mga immortal dapat wala ng madamay pang mortal! Ginagawa nilang pain si Marianne at Sabino sakin.
Hindi ko maalala kung paano ako napunta dito. Namalayan ko nalang na nakaupo na ko sa isang maliwanag na kwarto na walang laman, may tali na ang kamay at paa ko.
Nakuyom ko ang kamao ko ng makita ko si Marianne kanina. Yung sugat sa braso niya. Kahit hindi ko naman itanong alam ko ng si Andy ang may gawa nun.
Si Andy. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin masasabing siya ang nag plano nito.
Si Magic. Alam kong gumagawa siya ng paraan ngayon para hanapin ako. Baka nga wala pang dalawang oras na hindi ako nagpaparamdam sakanya, hinahanap na niya ko.
Narinig kong bumukas ang pinto. Ramdam ko rin ang mga yabag na papalapit sakin. Hindi ko nilingon ang ulo ko hanggang sa bumungad nalang sakin ang nakangiting mukha ni Andy.
"Thirsty?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Pinilit kong iwasan ang mga tingin niya dahil baka hindi ako makapag pigil sakanya. Kanina pa kumukulo ang loob ko.
"You know what? Kung magmamatigas ka dito baka ikamatay mo ng maaga. Kawawa naman si Kate. Sinong magtatanggol sakanila, diba?"
"Bakit mo ba 'to ginagawa? Unang-una sa lahat hindi kita kilala. Pangalawa, wala akong matandaang may nagawa akong hindi maganda sayo. Pangatlo, wag mo ng idamay sila Kate dito. Mas lalo mo lang pinapakita na mahina ka. Na mahina kayo ng kung sino mang may pakana nito!"
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampiriYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
