Chapter Thirty Seven: Realization
=Mayumi's POV=
"M-magic."
"Yannie! Wag kang lalapit! Makinig ka sakin wag kang lalapit!" Nagpapamiglas siya sa kinauupuan niya.
Paano nagkaroon ng gantong lugar dito? Paanong sa dulo ng mga kwartong yun ay ito? Dahil ba ganun kahaba ang lugar na yun dahil ito ang labas? ARGHH!
Tinap ni Kate ang balikat ko. "Bitawan mo muna si Marianne. Tatabi lang kami."
Ginawa ko naman ang sinabi niya at hindi na nagtanong pa ng mapansin kong napapalibutan kami. Hindi ba sila nauubos?
"Yannie!"
Nadako ang tingin ko kay Magic.
"Makinig ka sakin! Imahinasyon mo lang yan dahil sa gamot na itinurok sayo! Wala kang kalaban! HINDI TOTOO ANG MGA YA- - AAAHHH!"
"Magic!"
Umiling lang siya matapos sipain ang sumakal sakanya. Nakagapos ang mga kamay niya sa likod pero malaya naman niyang nagagalaw ang paa niya.
"Hindi ikaw, ako o tayo ang totoong nasa panganib dito. Puntahan mo sila Detective Yu, hanapin mo sila. Hindi ko alam kung bakit pero damay na din sila dito."
"N-nasan sila?"
Ngumiti siya. "Sa dulo, sa tabi ng dagat. Nandun sila. Iwan mo na kami dito kami ng bahala."
Tumango ako. "Sige."
Ngumiti din sakin si Kate ng tignan ko siya. Huminga muna ko ng malalim bago mabilis na tinahak ang lugar na sinasabi ni Magic. Alam kong malapit na ko dahil naririnig ko na ang boses ni Magic.
Kahit gusto kong alamin kung paano sila nakarating dito mas gusto ko paring malaman kung ano ba talagang nangyayari. Huminto ako dalawang metro ang layo sakanila. Agad ko namang naagaw ang atensyon nila.
"Yumi! Ayos ka lang?" Sabino.
Tumango naman ako bilang sagot. Si Detective Yu na puzzled sa lahat ng nangyayari, si Sabino, Sandro, Eds, Jian at... Rence.
"Stop staring at kalagan mo na kami." Inis na sabi ni Mr. Prinicipal na nagpupumilit alisin ang tali sa kamay niya.
Teka, kung nandito si Mr. Principal ibig sabihin hindi siya ang may plano nito? Ibig sabihin hindi siya ang papatay sakin?
"Hahahaha."
Mabilis akong tumingin sa likod ko ng marinig ko ang tawa ng ama ni Rence. Nasa likod ko nga siya kasama ang kuya ni Rence at kumaway pa 'to sakin.
"Hi. I am your nightmare while you think I am your Prince Charming. It's nice to meet you again my princess." Bungisngis na wika nito.
'I am your nightmare while you think I am your Prince Charming.'
'I am your nightmare while you think I am your Prince Charming.'
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
