Chapter Twenty Three: Stalker
=Mayumi's POV=
"Im sorry, Yumi. Kung pinigilan sana namin siya sa pagsasalita niya ng hindi maganda edi sana ayos parin kayo ngayon." Malungkot na sabi ni Jian.
Nginitian ko siya. "Okay lang yun."
Meron siyang sariling bibig para patigilin ang pagsasalita niya. Meron siyang utak para isipin kung ano muna ang ilalabas sa bibig niya, kahit na stress siya nung mga panahong yun alam parin niya kung ano ang ginagawa niya.
"Let's stop talking about Rence. So, pakakainin mo ba kami?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Kate.
Ang taray! Sinusungitan ako. Tinuro ko sakanila yung upuan senyales na maupo sila. May spaghetti namang natira kanina na niluto ni Magic. Hotdog nga lang ang sahog.
"Napadami kasi ang luto ni Magic. Sayang naman kung hindi mauubos."
Tumango-tango sila. Nilatagan ko sila ng plato at inabutan ng tinidor. Unang-una namang sumandok si Sabino.
"Feel na feel niya ang home niyo. Lagi bang nandito yan?" Tanong ni Marianne habang nagsasalok din ng spag sa plato niya.
Umiling ako. "Ngayon lang siya ulit pumunta dito.
Bumaling naman ako kay Sabino. Sunod-sunod ang subo na ginagawa niya kahit punong-puno pa ang bibig niya. Natawa ako. Pag nalaman niyang maraming stock na oreo si Magic hindi yan magpapaka busog sa spaghetti.
"Patay gutom ka." Naiiling na sabi ni Magic. Hindi siya pinansin ni Sabino.
*Ding dong*Ding dong*Ding do--*
"Ako na." Volunteer nanaman ni Magic. Nginitian ko naman siya tsaka ako umupo sa tabi ni Sabino. Ang takaw-takaw ng lalaking to.
"OH MY GOSH, YANNIE! THIS IS SO CREEPY! MAY REGALO KA NANAMAN OH!" Dinig kong sigaw niya.
Pumasok siya sa kusina bitbit ang pink na kahon na may itim na ribbon. Inabot niya yun sakin at pinatong ko sa lamesa. Walang pangalan kung kanino galing pero may pangalan ko na para sakin.
Simula ng lumipat kami dito lagi na kong nakakatanggap ng regalo. Ang unang regalo na natanggap ko; relong sira na at may kasamang stolen shot photos ko. Picture na lalabas ako ng bahay, bumibili sa grocery, pasakay sa kotse hanggang sa trabaho ko nakukunan niya ng litatro.
Inalis ko ang pagkakatali ng ribbon. Iaangat ko na ang takip ng kahon pero pinigilan ako ni Sabino.
"Why? What's wrong?" Tanong ko sakanya.
Natakpan niya ang bibig niya at nanlaki ang mata. "Hindi kaya bomba yan? Hala!"
Binatukan siya ni Magic.
"Masyado kang exagerated! Kung bomba nga yan ipapakain ko yan sayo para sumabog na yang tiyan mo."
Nag pout si Sabino. "Bakit ganyan ka na sakin?"
Inilingan siya ni Magic. "Ay ewan."
Binalik ko ang tingin sa kahon. Inalis ko ang takip nun, kanya-kanya naman silang silip kung ano yun. Hmm, bakit nandito to?
"Bag?" Nagtatakang tanong ni Kate.
Tumango ako. "Bag ko pero tinapon ko na 'to."
Kinuha yun ni Magic at binuksan. Kunot noo naman niyang nilabas ang mga nakalagay dun. Rose na lanta, heart shape na salamin na basag na at as usual mga stolen pictures.
"Balak ka ba niyang tambakan ng basura dito? Nakakaloko siya ha!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Magic. Inisa-isa kong tignan ang mga pictures. Nung papasok na ko sa trabaho, sasakay sa kotse, litrato ng kabuuan ng bahay namin, yung photoshoot, break time ko, tawanan namin ni Magic, pag uwi; palabas sa kotse, pagbukas ko ng gate at pagpasok ko sa kotse. Walang palya! Sino siya?
"Ano yan? Stalker o admirer?" Tanong ni Eds bago kunin sakin ang hawak kong mga litrato.
"Sa mga bagay na binibigay niya, muka siyang stalker noh!" Sagot ni Magic.
"Oh, meron pa." Sabay-sabay kaming napatingin kami kay Sabino. Inabot niya sakin ang di karamihang pictures. Picture nanaman?
Kumunot ang noo ko habang paisa-isang nililipat to. Habang nagdo-doorbell si Kate, nung pinagbuksan sila ni Magic ng pinto (kitang-kita nga si Magic at yung loob ng bahay), pagpasok nila at naiwan si Magic na parang mag hinahanap, nung pumasom si Magic at--
"P*ta! Hindi na maganda yan!" Seryosong sabi ni Sandro.
Picture nung sumigaw si Magic dahil kinakain ni Sabino ang cookies niya, nung naguusap-usap kami, nung pinapo ko na sila para kumain at nung naghain ako.
"Yumi, nakakatakot na yan ha." Diretso sa mata kong sabi ni Marianne.
Sa loob na ng bahay namin to pero nakunan niya parin? Nasa kusina na kami nakakuha parin siya ng litrato? Patagal ng patagal parang banta na ang binibigay niya.
Isang litrato ang nakaagaw ng atensyon ko. Si Mr. Principal na nakatayo sa labas ng bahay namin at pinagmamasdan to. Nakatalikod siya sa camera pero alam kong siya to. May ekis na kulay pula ang picture niya at may emoji sticker na galit.
Galit?
"And one thing came into my mind. He's your admirer." Kinunutan lang ng noo ni Marianne si Kate.
Admirer? I don't think so!
Creepy photos, weird gifts and a puzzle messages. Is this a game? Sa pagkakaalam ko wala akong kaaway o nakaaway, na offend, nasaktan o di kaya naman natapakang kung sino.
Stalker; minsan may pagtingin sayo, minsan may nagpapatingin lang sayo.
This unknown person that trying to scare me is coward! Why doesn't he/she show her face to me?!
*Ding*Dong*Ding*Dong*
Sabay-sabay kaming napatingin sa isa't-isa? Ohmo! Is that the stalker that doorbelling? 0_0
*~*~*~*~*~*
A/N: The short-short-short update and a slow-slow-slow update 😭
School works are Oh Ehm Gee! 😭
BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampirgeschichtenYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?
