Chapter Twenty Three: Apology Accepted
=Mayumi's POV=
"M-marianne, wag mo kong gitgitin."
Dumistansya siya ng konti kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Kasi naman nakakatakot eh. Sa gitna ng pag uusap natin tungkol sa stalker na yan bigla namang may magdo-doorbell ng sunod sunod. Ang creepy diba?"
Natawa ako sa reaksyon niya. Kumukunot-kunot kasi ang noo niya habang tinataas-taas niya yung kamay niya at pinapalaki ang dalawang mata. Nararamdaman ko namang walang mangyayaring hindi maganda so I decided to stand up and went to the front door.
Nang mahawakan ko ang doorknob bumilis ang tibok ng puso ko. Kasing bilis ng pag tibok sa tuwing malapit siya. Sa tuwing nararamdaman ko ang presensya niya, para akong kinakabahan ng walang dahilan. Sakanya ko lang naman nararamdaman to kaya alam ko na kung sino to.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. There he is! Holding a one black rose! Nakatingin siya sakin. Humakbang ng isang beses ang paa niya palapit sakin pero hindi ako naalis sa kinatatayuan ko.
Inabot niya yung bulaklak. Natawa ako pero seryoso parin siya.
"Bakit itim?" Tanong ko tsaka inamoy to. Halatang pabago niya ang pinang-spray dito *^__^*
Nagkibit balikat siya. "I saw that in the middle of the road so I choose to pick it and give it to you. Do you like it?"
Nakangiting isang beses akong tumango. "I like it." Sagot ko at muling inamoy ito.
Tumingin ako sakanya ng maramdaman kong nakatingin siya sakin. "Would you let me in?"
Binuksan ko pa ng mas malaki ang pinto para makapasok siya. "Sure."
"Ayiiiiieeeeeeeeeeeee!" Rinig kong boses nila galing sa kusina. Napailing nalang ako. Kailangan talaga ganun kahaba?
Sumunod ako sakanya sa kusina. Pagpasok ko palang nagsilabasan na sila Magic. Ayaw ngang lumabas ni Sabino pero piningot siya ni Magic at hinatak palabas.
"Where are you guys going?" Tanong ko sakanila.
Humarap sakin si Sandro at siya ang sumagot. "Manunuod kami sa sala."
Tumango-tango naman ako. Umupo ako sa harap ng counter habang nakatayo lang si Mr. Principal sa harap ng mesa.
"Nagpapatangkad ka ba? Sit."
Umupo siya. "Im not a dog. Anyway, did you already forgive me?"
Umiling ako ng may ngiti sa labi. "This black rose 'that came into the middle of the road that you choose to pick and give it to me'. Won't please me."
"Psh." Walang gana niyang tugon.
Wow! Just wow! Ganto na ba siya humingi ng sorry? Again, just wow!
"Gusto mo bang kumain?"
Tanong ko pero umiling lang siya dahil nakatingin siya sa cellphone niya. Galit na galit pa sa pagpindot.

BINABASA MO ANG
She's A Blood Hater
VampireYannie Mayumi Beils is a vampire. Isang bampira na hindi mo hihilinging makita. Pinipigilan ang nakasanayan. Inaayawan ang kagustuhan. Pinapatunayan niya ang isang bagay... SHE'S A BLOOD HATER! Pero hanggang kailan?