Chapter 20: Absent

709 14 0
                                        

Chapter Twenty: Absent

=Marian's POV=

Lalala. Nakahawak ako sa dalawang strap ng bag ko papasok ng university. Maaga akong pumapasok kaya wala pang masyadong estudyante. Nginitian ko si manong guard tsaka ako nag patuloy sa pagpasok.

My name is Marian Ry. Half filipina, half amerikana. Filipino ang father ko at american naman ang mother ko. Nagkakilala sila dito sa philippines kaya dito ako lumaki.

Pumasok ako sa room ko ng naka ngiti. Unang hinanap ng mata ko si Yumi, maaga kasing pumapasok yun eh. Himala ata mukhang nauna ako sakanya ngayon. Hihihi ^__^ Si Kate naman laging late yun kaya mamaya pa talaga yun.

Umupo ako sa upuan ko at nagsalumbaba. Wala tuloy akong maka usap. Pag katapos ng nangyari nung isang araw, kinabukasan pinasuspend muna yung klase tapos ngayon may pasok na. Pumunta si Kate sa bahay kahapon ng lutang. Tinanong ko sakanya kung anong nangyari nung araw na yun kasi nag paiwan naman siya dito sa school, hindi naman niya ko sinasagot. Naka tingin lang siya sakin.

Hays, ganun siya pag may problema. Ano naman kaya yung problema nun?

Napatingin ako sa wrist watch ko. Ang bilis naman ng oras. Kanina pa ko naka dungaw sa labas ng pinto. Kitang-kita ko kasi ang lahat mula dito sa kinauupuan ko.

Dumaan si Jian na may kausap na babae. Tumatawa silang dalawa. Nagkibit balikat nalang ako. Sana totoo rin yung tawa niya pag ako ang kasama niya.

He's Jian Tales. Kung masiyahin si Sabino, pumapangalawa siya. Mahilig siya sa ice cream na strawberry flavor at nasusuka naman siya sa ube flavor na ice cream. Allergy daw kasi siya dun. Nasa ilalim siya ng sinasabi nilang 'arrange marriage' kuno. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng babae dito sa university ako ang nilapitan niya para mag panggap na girlfriend niya para hindi na matuloy yung kasal niya. Hindi pa naman daw sa ngayon sabi ng mommy niya pero sa tamang panahon. Ayaw parin niya. Hindi daw siya magpapatali sa taong hindi niya gusto.

Maayos naman ang pakikisama ko sa family niya. Gustong-gusto nga nila na nandun ako sa bahay nila. Kabisado ko na nga ang gusto at ayaw nila. Minsan nga dire-diretso nalang ako sa subdivision nila, hindi na chini-check ng guard yung i.d ko.

"Kate!" Kinawayan ko si Kate ng makita ko siyang papasok sa pinto. Nginitian niya ko at nagmamadaling pumunta sa upuan niya.

"Good morning." Bati niya. Nauna pa siya kay Yumi? Ang galing ^__^

"Uuyy! Napa aga ka ata." Pag aasar ko sakanya with matching sundot-sundot pa sa tagiliran niya.

Napa poker face siya. "Hindi ako maaga. Five minutes nalang mag uumpisa na ang klase. Tumingin ka nga sa relo mo." Bored niyang sabi.

Ha? Five minutes na nga lang mag uumpisa na ang klase. Bakit wala pa si Yumi? Eto ata ang unang araw na male-late siya.

"Good morning, class."

Bigla akong napatayo sa upuan dahil sa gulat. Bumati pabalik ang mga kaklase ko pero hindi ako naka bati. Yumi naman kasi eh! San ka na? Nag uumpisa na yung klase oh.

"Agoncillo?" Pag tawag ng teacher ko sa isang kaklase kong lalaki.

Attendance na? 0_o Wala bang sasabihing keme-keme to si ma'am bago mag attendance?

She's A Blood HaterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon